Si Chiz at ang red wine
IBINIDA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Chiz daw ay parang kesong kapares ng red wine?
Naku ha!
Bakit?
Sagot - kasi kapag nakikita si Chiz sa mga typar ay madalas na may hawak itong baso o kaya bote ng red wine?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
‘Ito raw ang isa sa problema ng mag-asawang Rod at Cecile Ongpauco kay Chiz kaya tuloy ‘nega’ sila noon sa relasyon ng kanilang anak, nang una diumano kasi silang magharap, amoy tsikot este mali chico pala ang naging manugang?’ Sabi ng kuwagong madaldal.
Ayon sa tsimis ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag naparami diumano ang pagtoma ni Chiz sa mga pinupuntahan nitong lugar ay maingay daw ito, mapagmura at para hindi alam kung ano ang kanyang ginagawa?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi maalis sa isipan diumano ng ilang mga tagasubaybay kina Chiz at Heart na dehins dumating ang erpat at ermat ng bride sa kanilang napakaganda at magarbong kasal noon.
Question - humahawak pa rin kaya ng bote ng red wine si Chiz?
Ang sagot ni Bob Marley - Red, red wine, stay close to me, don’t let me be alone, it’s tearin’ apart my blue, blue heart .......
Buwis sa Caloocan
NANGANGATI ang mga ma-e-erap sa Caloocan City dahil sa tindi ng mga buwis na pinatutupad todits kaya kabayo este mali kalbaryo sa kanila ito dahil sa napaka-erap ng buhay sa ngayon. Ano kaya ang masasabi dito ni Mayor Oca Malapitan.
Sabi nga, ma-erap kitain ang salapi lalo’t ang mga ma-e-erap ang naaapektuhan!
Bakit?
Sagot - walang pera!
Abangan. Abra Masonic Lodge No. 86
Congratulation sa mga newly elected brethren sa Abra Lodge No. 86 para sa Masonic year 2016.
Ang mga bagong halal na mga brethren ay sina Worshipful Master Hamil Bigornia, SW Diony Delizon, jw Jude Bigornia Tes Boy Co, Sec Marvin Bisares at ang guwapong - guwapong Auditor na si Bro. Wilson Bolante.
Sabi ni Kuyang Wilson, pinaguusapan pa ng mga miembro ng Abra Lodge No. 86, kung kailan ang kanilang ‘installation’ at kung saan gagawin ang kanilang fellowship pagkatapos ng Masonic Installation nila kaya naman pinaghahanda ang mga brethren sa iba’t-ibang Templo sa Philippines my Philippines na huwag kalimutan dumalo dahil hindi biro ang kanilang tsibugin at inumin.
Sabi nga, Abra style!
Abangan.
- Latest