^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gasolina, mababa na bilihin, mataas pa

Pilipino Star Ngayon

SUNUD-SUNOD ang rollback ng petroleum pro­ducts. Ngayong Disyembre, tatlong beses­ nang nag-rollback ang mga kompanya ng langis ng kanilang produkto at may mga susunod pa umano bago matapos ang 2015. Ang halaga ng unleaded gasoline ay umaabot na lamang sa P36 bawat litro at ang diesel ay P27.

Ang nakapagtataka, sa kabila na malaki na ang nababawas sa presyo ng gasoline, diesel at kerosene, ang presyo ng bilihin, pamasahe at pati kuryente ay hindi pa rin nagbabago. Ang matindi, inanunsiyo pa ng Meralco na magtataas sila ng singil sa buwan na ito. Bakit magtataas pa gayung mababa na nga ang pinagkukunan ng enerhiya? Kung kailan pa lumalamig ang panahon saka magmamahal ng singil sa kuryente.

Nakapagtataka rin naman kung bakit sa ka­bila nang sunud-sunod na oil price rollback, hindi pa rin gumagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang presyo ng bigas, asukal, mantika, sardinas at iba pang bilihin ay parehas pa rin noon. Ilang rollback na pero walang pagbabago. Kawawa naman ang kakarampot ang kinikita sapagkat hindi nararamdaman ang epekto ng pagbabawas ng presyo ng petroleum products.

Maski ang pamasahe sa dyipni at bus ay hindi rin nagbabago. Kawawa naman ang mga pasahero na malaglagan lamang ng piso ay maa­aring hindi na makakauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Nasaan na ang Department of Trade and Industry (DTI)? Natutulog sa kangkungan? Sila ang dapat na manguna sa pag-usisa para makasunod sa presyo ang mga pangunahing bilihin. Kapag hindi sila kumilos tataas muli ang presyo ng petroleum products at wala namang aasahan ang kawawang mamamayan. Maiiwanan na naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin at kawawa ang mga kakarampot ang suweldo. Kung may pagbaba sa petroleum product, dapat nakaantabay ang DTI.

ACIRC

ANG

BAKIT

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HINDI

ILANG

KAPAG

KAWAWA

MGA

NGAYONG DISYEMBRE

PRESYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with