^

PSN Opinyon

Balik-kuweba tayo?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAPAG nagkataon at nahalal na Pangulo si Digong Duterte (wish ko lang huwag sana), hindi siya ang magiging kauna-unahang Presidenteng palamura. Si Manuel L. Quezon ay palamura, kaso mas elegante ang kanyang pagmumura. PUNYETA! Iyan ang paboritong ibinubulalas ni Quezon kahit sa mga gabinete niya na nagkakamali.

May anecdote pa kay Quezon na sa isang cabinet meeting, nautot siya nang malakas at para huwag mapahiya, tiningnan niya nang masama ang kanyang aide at sinigawan ng “Punyeta!”

Pero bakit nga ba kapag kastilaloy ang nagbitaw ng malaswang salita  “class” pakinggan.  Kapag tinagalog mo nagiging malaswa. Pero kastila man, Inggles o Tagalog, ang mura ay mura. Ang kalaswaan ay hindi nagiging tama ano mang lengguwahe ang gamitin. Kasi tapos na tayo sa panahon ng mga naninirahan sa kuweba at mga barbaro. Isa na yung bahagi ng kasaysayan na di na dapat balikan.

Nakakaaliw pero nakakabahala ang pagpapakita ng “barbarong” gawi ng ilang gustong maging Presidente ng bansa. This utter display of uncivilizedness by some people is weird in a world of refined culture and sophistication.

Akala natin moderno na ang daigdig pero heto at naghahamunan ang dalawang magigiting na kandidato sa pagka-pangulo ng sampalan. Grabe di ba? Si Duterte ang nagpasimuno nito nang sabihin niyang sasampalin niya si Mar Roxas dahil ang mga papeles nito na nagtapos siya sa Wharton School of Business ay peke. Ang mali ni Roxas ay pumatol siya sa salitang-kanto ni Duterte at sinabing kapag napatunayan naman niya na totoong nagtapos siya sa naturang pamantasan, si Duterte naman ang sasampalin.

Kung ako si Roxas, pinahaba ko pa ang aking pisi ng pasensya at nagpakahinahon. Iyan ang magpapatunay na ako’y totoong edukado at hindi nagtapos sa isang “low school” o mababang paaralan lang. hehehe.

ACIRC

ANG

DIGONG DUTERTE

DUTERTE

IYAN

MAR ROXAS

PERO

QUEZON

ROXAS

SI DUTERTE

SI MANUEL L

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with