Si Duterte at ang Batas
KAHIT saan mo tignan may kasabihan na “no one is above the law.” Tama ba, Mayor Digong Duterte, Your Honor?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung talagang may gulugod panghe este mali pangil pala ang government of the Philippines my Philippines, dapat mabusisi at maimbestigahan ang sinasabing mga krimen diumano ni Digong?
Naku ha!
Meron kaya?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para hindi naman maging katawa-tawa ang Philippines my Philippines sa international community at sabihing kinukunsinti ang paglabag sa karapatang pantao, maging ng mga kriminal (gaya nang nasasaad sa Konstitusyon), dapat ay pagalawin ang galamay ng batas para papanagutin ang isang nagkasala sa batas—kahit sino pa ‘yan!
Ika nga, ‘no one is above the Law!’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga bulag na diumano’y tagasunod si Digong na nagsasabing ayos lang na likidahin ang sinuman dahil isa siyang kriminal. Siguro mag-iiba ang tono ninyo kapag ang kamag-anak na ninyo, o mismong kayo, ang nilikida dahil napagbintangan kayong kriminal.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat maging marahas ang hustisya para lamang masabing epektibo ito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat malaman ang ugat sa paggawa ng krimen para malaman kung ano ba ang rason kung bakit nakagawa ng criminal act ang isang nilalang ni Lord.
Bakit nga ba?
Sagot - iyan ang dapat makalkal.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat idaan sa tamang proseso ng batas ang isang kriminal kung ito ay titigukin dahil kung hindi magdudulot pa ito ng higit na gulo kasi maggagantihan lamang ang mga na argabiado.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hihimayin mabuti ang mga sinabi ni Duterte at hindi ito nagbibiro sa media dapat talagang maimbestigahan ito at kung talagang nagkasala si Digong ay panagutin siya gaya nang iba pang kriminal.
Abangan.
Si Mison at ang OMB
MAY mga evidence na idinagdag sa Office of the Ombudsman ang isang Bureau of Immigration official para hilinging mabigyan ng preventive suspension order si BI Commissioner Siegfred Mison tungkol ito sa usapin ng mystery eskapo at pagkawala ng isang Chinese fugitive na hinataw este mali pinatawan pala ng deportation order last March 2015.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pumunta sa OMB si Immigration Intelligence officer Ricardo Cabochan at bitbit ang mismong logbook ng BI Bicutan Detention Facility para patunayan ang diumano’y unauthorized release ni Fu Gaofeng ng diumano’y walang kaukulang resolusyon from the Board of Commissioners ng BI.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinilong parang yokaba este mali inaresto pala si Fu para agad mai-deport sa bisa ng warrant for deportation na diumano’y pinirmahan ng Immigration commissioner kaya lang ang siste hindi natuloy ang order at sinasabing pinalaya at ngayon ay parang bulang nawala ang suspected tsekwa.
Ibinida ni Cabochon sa kanyang supplemental affidavit sa kabila ng paghuli kay Fu at pagkakadetine ay dehins ipinatupad ang deportation at pinakawalan pa ang tsekwa diumano’y sa utos ni Mison.
Ikinuento ni Cabochon, para lumakas ang reklamo niya may natanggap siyang documents last Nobyembre 23, 2015 na bahagi sa sipi ng official logbook from the BI detention facility in Bicutan, na nagpa-tinapay este mali nagpapatunay pala na pinalaya si Fu sa order diumano ni Mison?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’
Abangan.
- Latest