^

PSN Opinyon

Usaping pera

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Hanggang katapusan na lang taon na ito maaaring tanggaping pambayad ang mga lumang serye ng pera. Ito ang serye ng pera bago lumabas ang kasalukuyang serye kung saan iba-ibang laki ang numero o serial number. Simula Enero ng 2016, hindi na tatanggaping pambayad ang lumang sereye, at kailangang papalitan sa Bangko Sentral o sa mga banko. Sa Enero naman ng 2017, wala na talagang halaga ang lumang serye. Hindi na rin mapapapalitan sa anumang banko. Kaya kung may mga nakabaon o nakatagong mga lumang serye na pera, ipapalit na o i-deposito na lang sa banko. Baka hindi ninyo mamalayan ay wala na palang halaga ang mga pera ninyo.

Ito rin ang panahon kung saan laganap ang pekeng pera. Dahil panahon ng paggastos para sa Pasko, ikinakalat ng mga kawatan ang mga pekeng pera. Madalas hinahalo sa tunay na pera para hindi mapansin. Kung hindi maingat, mawawalan ka na lang ng malaking halaga dahil sa pekeng pera. Hinihikayat ang lahat na pag-aralan ang mga katangian ng tunay na pera, para agad mapansin kung ang pinambabayad ay peke na.

May reklamo pa rin sa kulay ng bagong serye ng pera. Masyado raw magkapareho ang kulay ng P20 at P50, pati ang P100 at P1,000. Pahayag naman ng Bangko Sentral ay madaling makita kung magkano ang perang hawak, dahil sa laki ng mga numero at iba pang katangian. Hindi pa alam kung may plano ang Bangko Sentral na baguhin ang mga sinasabing magkaparehong kulay. Kaya ang dapat ay maging maingat din sa pagbunot at pagbayad ng pera. Mabuti sana kung lahat ng tao ay tapat at sasabihin kung nagkamali ka ng pagbigay ng pera.

Para ikumpara lang sa Amerika, isa lang ang kulay ng kanilang pera para sa lahat ng denominasyon. At sa kasaysayan ng Amerika, kahit kailan ay hindi sila nag-demonetize ng pera. Ibig sabihin, ang serye ng pera noong unang lumabas ang dolyar ay magagamit pa ring pambayad, at ganun pa rin ang halaga. Ang isang dolyar na pera na ililabas noong 1800 ay isang dolyar pa rin ang halaga ngayon, at tatanggapin pa rin ito kahit saan. Pero siyempre, para sa mga kolektor, mas mataas na ang halaga ng mga lumang pera, at hindi nila ginagamit pambayad.

AMERIKA

ANG

BANGKO SENTRAL

HINDI

ITO

KAYA

KUNG

MGA

PERA

SA ENERO

SERYE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with