Palibhasa inabsuwelto, Abaya patuloy ang anomalya sa DOTC
NANG mabisto ang maanomalyang P535 milyon MRT-3 maintenance ng PH Trams, ipinalit ni Transport Sec. Abaya ang Global Epcom, P63 milyon mula 2013 hanggang ngayon. Authorized rep pa rin nito sa DOTC si Marlo dela Cruz, chairman ng PH Trams at fundraiser ng Liberal Party kung saan presidente si Abaya. Wala pa rin totoong upkeep; patuloy ang pagkabulok ng commuter railway. Mula PH Trams noon tungong Global Epcom ngayon P1.85 bilyon ang ibinayad ni Abaya kay Dela Cruz.
Bagamat hinabla ng Ombudsman si MRT-3 GM Vitangcol, dahil kasosyo sa kinontratang PH Trams ang tiyuhing Arturo Soriano, pinawalang-sala si Abaya. Kaya patuloy ito sa maaanomalyang gawain.
Binalewala ni Abaya ang P4.5 bilyong budget ng MRT-3 para bumili sa original Czech supplier ng 48 bagong bagon, i-overhaul ang 72 na luma, at i-maintain ang pinagsamang fleets.
Sa halip, hinati niya ito sa dalawa -- at napamahal pa. Una, kinontrata niya ang di-kuwalipikadong Chinese na Dalian Locomotive & Rolling Stock Corp. na gawin ang 48 bagon. Halaga: P3.8 bilyon. Tapos, nakipag-secret negotiation siya sa Koreanong Busan Railways imbis na public bidding, para sa overhaul ng 54 lang imbis na 72 na lumang bagon (dahil winasak na ang iba ng PH Trams at Global Epcom ni LP fundraiser Dela Cruz). Halaga nito: P4.25 bilyon.
Ang pinagsamang P8.05 bilyon ng Dalian at Busan ay mas mahal nang P3.55 bilyon. Saksakan nang anomalya. Pruweba:
l Dumating nu’ng Agosto ang unang prototype -- o fully functional model -- mula Dalian. Wala itong motor. Ibig sabihin, hindi ito pinatakbo, batay sa kontrata, nang 5,000 km sa iba’t ibang bilis, kurbada, at akyat, para ma-test ang automatic brakes at electronic doors.
l Kasosyo ng Busan ang tatlong lokal na kumpanya, na ang linya ay trading, general merchandise, at plumbing. Nakatago roon ang pinaka-mamahal ni Abaya na si LP-playmate na Dela Cruz.
- Latest