^

PSN Opinyon

Tamang pagkain para iwas-diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KUNG gusto ninyong makaiwas sa diabetes, heto ang listahan ng mga puwede n’yong kainin.

1. Carbohydrates: Ang carbohydrates tulad ng kanin, tinapay at spaghetti ay nagbibigay ng lakas sa atin. Ngunit pinatataas nito ang ating blood sugar. May mga carbohydrates na mas mainam para sa may diabetes. Ito ay ang brown rice, wheat bread at spaghetti. Limitahan lang ang pagkain ng fried rice o sinangag, white bread at French fries.

2. Protina at karne: Piliin ang karneng hindi gaanong mataba. Tanggalin ang mga nakikitang taba sa baboy at baka bago ito lutuin. Mas piliin ang mga protinang galing sa gulay tulad ng tofu, tokwa at beans. Ang manok at turkey ay mas healthy kumpara sa baboy at baka.

3. Gulay at prutas: Karamihan ng gulay at prutas ay mataas sa fiber, bitamina at minerals. Sa bawat araw, kumain tayo ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas. Puwedeng mas marami ang kainin ng mga lalake at matatangkad na tao, at mas konti naman ang kainin ng mga babae at bata. Sa mga may diabetes, bawasan ang pagkain ng kanin at palitan ito ng mas maraming gulay. Sa paghahanda ng ensalada, mag-ingat din sa paggamit ng mayonnaise at Thousand Island sauce na nakatataba. Suka na lang ang sawsawan.

Ang diabetes ay puwedeng magkaroon ng seryosong komplikasyon. Karamihan ng may diabetes ay kulang sa kaalaman kung anong pagkain ang puwedeng kainin at kung ano naman ang dapat iwasan.

Mas piliin ang mga pagkaing nakalista sa kaliwa at bawasan ang pagkain ng mga nakalista sa kanan.

Piliin ang mga ito:

Brown rice

Wheat bread

Baked potato

Spaghetti

Nilaga o inihaw na karne

Sa karne, piliin ang tenderloin at sirloin

Tofu, tokwa, beans

Manok o turkey

Inihaw, steamed o sinigang na isda

Sari-saring gulay

Prutas tulad ng mansanas, peras at saging

Limitahan o iwasan ang mga ito:

White rice, sinangag at fried rice

White bread

French fries

Mami, miki

Pritong baboy at baka

Huwag piliin ang ribs at T-bone

Bacon, ham, hotdog, salami

Balat ng manok

Pritong isda

Gulay na nilagyan ng butter

Delatang prutas at matatamis na fruit juices

ANG

DELATANG

GULAY

KARAMIHAN

LIMITAHAN

MAS

MGA

PILIIN

PRITONG

STRONG

THOUSAND ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with