^

PSN Opinyon

“Paskong Kumukutitap”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

‘HINDI NA NAMIN MATANDAAN sa tagal kung kelan kami nagkaroon ng tunay na masayang Pasko na buo kami!’

‘Sa hirap ng pinagdaanan namin iniisip mo na lang na takasan ito kahit pa sa dulo maaaring ikaw ang mabaliktad at mamroblema’.

“Bugbog na nga sa trabaho ang pinsan ko lagi pang sinisigawan. Hindi man lang mabigyan ng tamang pahinga,” sabi ni Marites.

Mula Dubai ay tumawag sa amin si Marites De Gula para ihingi ng tulong ang kanyang pinsang si Gretchen Grenio.

Dalawampu’t limang taong gulang lang daw ang kanyang pinsan at mahigit isang taon na itong nagtatrabaho bilang Household Service Worker (HSW) sa Riyadh.

Tinulungan siyang makahanap ng mapapasukan ng ahen­syang Pisces International at napunta sa among si Mohammed Almusheik at sa asawang si Montaha Alhumaydi.

“Nagulat siya nung pagdating niya sa employer ay limang bata pala ang kanyang aalagaan. Halos lahat ng trabaho siya pa ang gumagawa,” salaysay ni Marites.

Sa limang anak pa lang na kailangan nitong alagaan pagod na ang katawan nito. Idagdag mo pa ang paglilinis at pagluluto.

Madaling araw na kung matapos sa gawain si Gretchen at wala pa sa oras ang pagkain. Maliban pa rito palagi pang sumisigaw ang amo nito tuwing mag-uutos.

Kinakaya ni Gretchen ang lahat dahil gusto niyang matulungan ang pamilya sa Pilipinas. Ang problema limang buwan na itong hindi nagbibigay ng sweldo.

“In Shallah” (God’s willing), ito raw ang madalas na sagot ng amo ni Gretchen kapag tinatanong nito kung kailan ba siya sasahod.

“Ang hirap naman nung ganung sitwasyon. Obligasyon nilang bayaran ng tama ang taong sobra-sobra kung magtrabaho,” pahayag ni Marites.

Ang isa pa sa ikinakatakot ni Gretchen ay ang pag-iwan ng amo sa dalawang buwang sanggol sa kanya. Baka may mangyaring hindi maganda sa bata ay siya pa ang masisi.

“Wala pang anak ang pinsan ko at hindi naman nakapag-alaga ng bata. Kung bugbog na siya sa trabaho at wala namang sapat na kinikita pauwiin na lang daw siya sa Pilipinas,” wika ni Marites.

Bilin pa sa kanya ni Gretchen ngayong nanghingi na siya ng tulong sana ay maialis na rin siya sa kanyang amo dahil baka kung ano pang kaso ang ipataw nito sa kanya.

Hindi raw nila nasisiguro kung ano ang takbo ng utak ng employer ni Gretchen.

Para sa ibang balita isang kapamilya rin ng HSW ang lumapit sa amin na si Marilou Paramio.

Kinasuhan daw ng ‘travel ban’ dahil nag run-away ang kanyang kapatid na si Florida Ellar na nasa Qatar.

“Kahit na tumakas siya sa amo agad naman siyang sumuko sa Qatar Deportation. Hiningian siya ng 7,000 Riyal para makauwi ng Pilipinas,” kwento ni Marilou.

Pangako sa kanya makakauwi siya kaagad kapag nabayaran niya ito. May perang hawak nun si Florida kaya’t agad niya itong binayaran.

Makalipas ang dalawang buwan wala pa ring kasiguraduhan ng kanyang pag-uwi. Nanatili siyang nasa deportation ng Qatar.

“Hindi kasi namin alam ang pangalan ng ahensya niya dahil may kaibigan siyang nagdala sa kanya doon para magtrabaho,” wika ni Marilou.

Bihira lang kung kumontak sa kanya ang kapatid at hindi na rin nila alam kung anong mangyayari rito. Matagal-tagal na itong naghihintay na mapauwi.

Wala silang ibang alam na impormasyon tungkol sa naging amo at ahensya nito kaya nagpasya silang lumapit sa amin.

Ang huling balita nila rito ay nagkaroon daw ng kasulatan sina Florida at ang kanyang amo na natanggap nito ang pera. Hindi lang nila malaman ngayon kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw.

“Mapauwi man lang sana ng maayos ang kapatid ko para mapanatag na rin kami na walang masamang mangyayari sa kanya,” salaysay ni Marilou.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kapag nasa ibang bansa ka pakiramdam mo wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mo. Kung hindi ka matapang at matibay ang dibdib siguradong bibigay ka.

Sa unang naging kaso na si Gretchen dapat ang ahensya niya ang unang kumilos dito at nakipag-usap sa employer. Sa dami naming naging kasong tungkol sa mga kababayan nating nagtatrabaho bilang HSW may mga employer na nagpapasahod kapag tapos na ang kontrata.

Kung susundin ito paano naman ang pamilya niya dito sa Pilipinas na umaasa sa tulong na maiaabot niya.

Lahat ng impormasyon tungkol sa dalawang HSW ay ipinagbigay alam namin kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nakipag-ugnayan siya sa ating Embahada sa Riyadh at Qatar upang malaman kung paano matutulungan ang dalawang kababayan.

Sumagot naman sa amin kaagad si Consul General Cotawato Arimao tungkol sa problema ni Florida at ibinalita niyang nakatakdang mapauwi si Florida ngayong araw Disyembre 7, 2015 ng Qatar Airways Flight.

Ipinaalam namin ito sa pamilya ni Florida at hindi sila makapaniwala na uuwi na ito.

“Maraming salamat po sa tulong ninyo. Ganun din po sa DFA at sa embahada natin. Mapapanatag na kami dahil pauwi na siya,” pahayag ni Marilou.

Nagpapasalamat naman kami sa DFA kay Usec. Rafael Seguis at ganun din sa lahat ng bumubuo natin sa embahada ng Qatar para maresolba ang problema ni Florida.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

ACIRC

ALIGN

ANG

GRETCHEN

HINDI

KUNG

LEFT

MARILOU

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with