^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Maaari nang bumoto kahit walang ‘bio’

Pilipino Star Ngayon

SINUSPINDE ng Supreme Court (SC) ang “no bio, no boto” na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec). Dahil dito, marami ang nakahinga nang maluwag. Maaari na silang maka­boto na hindi kailangan ang biometrics data.

Agad namang nagpaliwanag ang Comelec, ipinatupad nila ang “no bio, no boto” para raw mapigilan ang flying voters. Ito ay para maging ganap at malinis na 2016 elections.

Salamat at nagpasya agad ang SC bago pa man sumapit ang 2016 elections. Tiyak na maraming botante ang mae-exercise ang kanilang kara­patan.

Kinatigan ng SC ang Kabataan party-list, petitioner kontra sa “no bio, no boto”, sapagkat labag ito sa Saligang Batas. Ayon sa Kabataan party-list dahil sa patakarang pinatutupad ng Comelec, mawawalan ng karapatang bomoto ang may tatlong milyong botante dahil wala silang biometrics.

Nilalabag umano ng Comelec ang nakasaad sa Article V, Sec. 1 ng 1987 Constitution na wala dapat iimposed o ipakukuhang requirements sa mamamayan para ma-exercised niya ang pagboto. Ibig sabihin, hindi dapat inoobliga ang mamamayan  o botante na may kaugnayan sa pagboto.

Bukod sa inihaing petisyon sa “no bio, no boto”, isinampa rin ng Kabataan party-list ang kanilang petisyon sa maagang deadline ng regis­tration ng mga botante. Natapos ang registration noong Oktubre 31 na ayon sa mga petis­yoner ay masyadong maaga. Kailangan daw ma-extend hanggang Enero 8, 2016 ang registration. Nakasaad daw sa batas na ihihinto lamang ang regis­tration kung 120 araw (apat na buwan) bago ang election.

Marami maling hakbang ang Comelec at dapat lamang na mabusisi. Kung hindi kumilos ang Kabataan party-list, magpapatuloy ang pagpapatupad ng kanilang patakaran na lumalabag sa karapatan ng botante. Dapat mabantayan ang Comelec at baka meron pa silang mga bagong patakaran­ na pilit ipasusunod at ipaggigiitan.

ACIRC

ANG

ARTICLE V

AYON

BUKOD

COMELEC

DAHIL

DAPAT

KABATAAN

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with