^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Extortion ang nasa likod ng ‘tanim-bala’

Pilipino Star Ngayon

SABI ni President Noynoy Aquino kaugnay sa kontrobersiyal na “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sini-sensationalized lamang daw ito. Pinalalaki raw gayung kakaunti naman ang bilang ng mga nasasangkot sa “tanim-bala”.

At para ganap na maipaliwanag, sinabi pa ng Presidente na napakaliit daw ng porsiyento ng mga kaso ng “tanim-bala” – nasa 1,200 kaso – kumpara sa 34 na milyong pasahero na dumadaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Halos wala itong ipinagkaiba sa mga sinabi noon ni Department of Transportation and Communications (DOTC) secretary Joseph Abaya na lubha raw napakakonti ng mga kaso ng “tanim-bala” kung ihahambing sa dami ng mga dumadaan sa NAIA araw-araw.

Nagkaroon na ng pagdinig sa Senado ilang linggo­ na ang nakarararaan at dinetalye ng American missionary na si Lane Michael White kung paano siya hinuhuthutan ng pera makaraang mahulihan umano ng bala sa kanyang luggage. Hinihingian sila ng P30,000 para maayos na ang lahat.

Sabi pa ng isa mga airport security, mas mataas daw ang babayaran ng mga nahulihan ng bala kapag naka­rating pa sa mas mataas --- aabutin ng P80,000. Sabi ng mga nabiktima, kung talagang nahulihan sila ng bala bakit kailangan pang paikut-ikutin sila ng mga security official. Hindi nagbigay ng P30,000 si White kaya ikinulong siya sa airport. Pinatotohanan ito ng stepmother ni White.

Sindikato ang “tanim-bala” sa NAIA at ginagawa ito para makapang-extort ang mga tiwaling opisyal ng security. Pera ang kanilang hangad kaya “tina­taniman ng bala” ang mga bagahe.

Bakit hindi ito makita o maintindihan ng Presidente? Hindi pa ba sapat ang pagsasalaysay ng mga nabiktima ng “tanim-bala”? Kung sa halip na sabihing maliit lamang mga nahuhulihan ng bala, bakit hindi ipag-utos kay MIAA manager Angel Honrado na dakmain kung sino man ang nagtatanim ng bala. Bakit mabagal ang pagkilos para maimbestigahan ang “tanim-bala”. Pati ang NBI ay tila naging mabagal sa pag-iimbestiga at walang mailabas na report. Dapat pa bang patagalin ang mga nangyayari sa NAIA na nagdudulot ng kahihiyan sa bansa.

ACIRC

ANG

ANGEL HONRADO

BAKIT

BALA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOSEPH ABAYA

LANE MICHAEL WHITE

MGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with