^

PSN Opinyon

Social media vs. krimen

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

DAPAT magtulungan ang madlang people, barangay officials at mga authorities sa pagsugpo ng illegal drugs at iba pang krimen sa kanilang mga lugar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat inguso ng mga ‘concerned citizens’ ang alam nilang mga pugad ng tulakan, tsongkian, mga pushers at adik-adik na kanilang mga kapitbahay, kapit-kalye, kaaway, kaibigan at kahit sino pa sila para masugpo at matapos na ang malaking problema sa droga sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, kung panay huli ang mangyayari sa kanila tiyak malaking kabawasan ito sa kriminalidad.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, problemang malaki ang droga sa Philippines my Philippines, kapag may mga karumaldumal na krimen nangyari sa isang place tiyak ‘under the influence of illegal drugs’ ang may gawa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hi-tech na ang teknolohiya ngayon puedeng inguso ng mga concerned citizens ang mga pusher at adik sa kanilang lugar gamit ang social media.

Tama o mali!

‘Kailangan lang ingatan ang pagkakakilanlan ng mga magtuturo para naman sa kaligtasan ng kanilang sarili at pamilya.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit bata o matanda, bakla o tomboy, may ngipin o bungal, pulis o wanted lahat sila ay marunong gumamit ng social media, facebook, tweeter, email, text at iba pa ang importante ‘tama na, sobra na’ ipahuli ang mga pusher,adik,holdaper, rapist, miembro ng salisi, budol - budol, dugo-dugo, mandurukot at mga sindikato ng jumper ng kuryente at taga - kabit nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit hindi ninyo sariling account puede kayong gumawa ng bagong account basta ang importante ituro ninyo ang mga kriminal sa inyong lugar para matapos na rin ang pangamba at takot ng madlang people sa mga nagkalat na kriminal na dapat ikarsel na sila.

‘Mas maganda ang ganitong sistema ikakalat sa mga social media ang mga pangalan ng mga kriminal at maging mga authorities na nakapatong sa mga gagong ito.’ sabi ng kuwagong nagsawang adik.

Abangan.

Isko busy sa pag-ikot

MUKHANG hindi na kayang gampanan ni Vice Mayor Isko Moreno ang problema ng trapiko sa Manila dahil habang papa­lapit na ang bakasyon este mali eleksyon pala panay ang ikot nito sa iba’t- ibang lugar para ipaalam sa madlang people na siya ay kandidatong Senador next year.

Tanong - manalo kaya?

Sagot - iyan ang itanong ninyo sa kanya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple lang ang hiling ng mga residente at motorista kay Isko dyan sa New Panaderos na sakop ng Manila dahil mula sa pagbaba ng Lambingan bridge hanggang sa tinaguriang ‘lihis kalamay’ may ilang hakbang ang layo bago mag - arko ng ‘Welcome Mandaluyong,’ grabe ang illegal vendors at illegal terminals.

‘Naghambala ang mga sasakyan, pilahan ng jeepney, kainan sa bangketa at talyer din sa bangketa ang madlang crowd ay walang madaanan kahit sa kalsada ay okupado ng mga ito kaya tuloy ang mga residente dito ay sa gitna ng kalye naglalakad?’ sabi ng kuwagong haliparot.

‘Magkano kaya ang ‘butaw’ ng mga vendors at mga abusadong jeepney drayber sa mga burongoy kawatan dyan sa nasabing lugar ?’ tanong ng kuwagong manghuhula.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung walang ‘kalakaran’ hindi magkakaroon ng problema ang lugar at walang abusado dito kaya tuloy ang mga burongoy kawatan ang napagdidiskitahan ng madlang public.

‘Kahit hindi magpunta dito si Isko basta ang importante i-utos niya  sa mga alipores niya ang dapat gawin at hulihin ang mga abusado tiyak mabibilang ang pangalan mo sa balota sa susunod na taon.’ sabi ng kuwagong botante.

Ika nga, may boto kang makukuha. Hehehe!

Abangan.

 

ABANGAN

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

ISKO

KUWAGO

MGA

MISMO

NEW PANADEROS

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with