^

PSN Opinyon

Duterte: Pro-bitay Cayetano: Pro-life

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUSTONG-gusto ni Senador Alan Peter Cayetano na maging bise presidente ni Davao City Mayor Digong Duterte kapag ang huli’y tumakbo sa pagka-Pangulo.

Pero ang tanong ko ay paano sila magkakasundo sa isang major policy tungkol sa panunumbalik ng parusang kamatayan dahil si Cayetano ay isang bible-be­lieving Christian na mahigpit na tumututol sa bitay?

Nagpahayag na si Duterte (matapos ang ilang beses na urong-sulong) na tatakbo siya sa pagka-pangulo sa 2016 at ang ginagawa niyang dahilan ay ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na pumapabor sa pagka-natural born citizen ng isa pang kandidato sa pagka-pangulo na si Grace Poe.

Tahasan ding sinabi ni Duterte na pangunahin sa kanyang agenda kapag naging Pangulo ay ang pagbuhay sa parusang kamatayan sa mga buktot na krimen lalu na sa mga rapist at nangangalakal ng droga. Sa tingin ko ay sa isang adhikain lang nagkakasundo sina Duterte at Cayetano, at iyan ay ang sa pagbabago ng pamahalaang presidential tungo sa sistemang pede­ralismo.

Naniniwala ako na kung tatanungin ang bawat Pilipino, mas nakararami ang papabor sa parusang bitay lalu pa’t talamak ang mga malalagim na krimen sa bansa. Kung simbahan ang pag-uusapan, yun lamang mga leader relihiyoso ang tutol sa bitay. Kaya tingin ko, puntos­ ito kay Duterte na ayon sa nakaraang survey ng SWS ay nanguna sa mga kandidato sa pagka-Pangulo.

Para sa akin, bago magpatupad ng bitay ay dapat ilagay sa ayos ang justice system para ang mga malalapatan ng parusa ay yung lamang mga nagkasala talaga.  Kaso, sa ilalim ng sistema ngayon na pati ang hustisya ay nasusuhulan ng salapi o pabor, marami ang nagdurusa dahil ang kalaban nila ay maimpluwensya at masalapi.

Pero iba ang nangyayari sa Davao City. Hindi na dumaraan sa due process ang mga kriminal na basta na lang itinutumba ng tinatawag na death squad. Diyan naman ako hindi pabor. Hindi puwede ang extra-judicial measures laban sa krimen dahil pati ang gagawin mong hakbang ay isa ring krimen na dapat parusahan.

ACIRC

ANG

CAYETANO

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR DIGONG DUTERTE

DUTERTE

GRACE POE

MGA

PANGULO

PERO

SENADOR ALAN PETER CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with