^

PSN Opinyon

Paihi sa Bataan umarangkada na (1)

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

UMARANGKADA ang multi - million operation nang mga sindikato sa likod ng talamak na nakawan ng langis o ang ‘paihi’ na nakukuha ng mga animal sa delivery bunker na nakadaong sa karagatan ng Limay, Bataan.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Norma Aquino, reyna ng paihi sa Bataan, ang gumagalaw ngayon sa Mariveles, gamit ang kanyang mga galamay na tumitira ng mga nakaw na langis sakay nang mga motorized banca nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit pinababayaan at nagbubulag-bulagan sa paihi ang mga tauhan ng PNP sa Bataan, mga ahente ng NBI at mga burongoy na kawatan dyan sa Bataan samantala, putok na putok ang nakawan ng langis dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na ang operasyon ng paihi sa Bataan at ang laking ganansiya ang napapakinabangan ng mga autoridad na pumapatong sa nakawan ng oil smuggling.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, multi - million pesos ang operasyon ng paihi kaya hindi ito magalaw - galaw o hinuhuli ng mga autoridad sa Bataan.

Bakit?

Sagot - malaki ang ganansiya?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang NBI - NCR ang naglakas loob na bumanat sa paihi sa Bataan kaya naman sangkaterba ang nabulabog sa ginawa ng mga ahente from Manila. Take note, NBI director Virgilio L. Mendez, Your Honor!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nahuli ng NBI - NCR ang pagsipsip sa straw este mali ng langis pala mula sa bunker  na ikinakarga naman sa mga barges.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, million of pesos ang nawawala sa gobierno dahil sa smuggling ng langis na hindi nabubuwisan.

“Kaya dapat lang kalampagin o sibakin ang mga pumapatong todits.’ sabi ng kuwagong urot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ordinaryo ka lang mamamayan hindi nila mapapansin ang nangyayari sa paihing ginagawa nila dahil ang sasakyan pandagat ay ‘design’ na parang isang ordinaryong bangka na ginagamit lamang ng mga fishermen kaya ang akala ng iba ay parang ordinaryo lamang ang ginagawa ng mga sindikato.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa dagat pa lamang ay sinasalubong na ito ng mga sindikato para sa pasipsip bago pa makaabot sa oil depots.  Madalian ang bentahan ng paihi sa mga kasabwat nilang operator o mga gagong may-ari ng stations na gustong kumita ng malaking halaga ng salapi dahil napakamura lamang nito kung ipagbili.

“Parang mga fishing vessels lang ang mga sindikato kapag nasa karagatan ng Manila Bay, pero front lang pala ito ng mga kamote dahil sa ilalim ng mga bangkang gamit nila ay nakalagay ang mga drum-drum na pinaglalagakan ng mga hinigop na langis,” sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

KAMBIYO issue, dumami ang kliyente ng isang alyas Danny ‘Blade,’ ang ‘Hari’ ng paihi sa Hermosa, Bataan, ng maghatag ito ng malaking salapi sa mga bugok na authorities sa nasabing probinsiya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan malaman ni CPNP Ric Marquez ang operasyon ng paihi sa Bataan para sibakin niya ang mga bugok na PNP dito na tumatanggap ng malaking halaga ng salapi.

‘Mukhang pati si Marquez ay ginagasgas ang pangalan dito porke may sobre rin ito sa mga paihi syndicate?’ sabi ng kuwagong seloso.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ito ang ipakalkal ni Marquez sa kanyang kapulisan para mahinto na ang nakawan ng smuggling na langis sa Bataan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naging mapurol ang talim ni alyas Danny ‘blade’ ng hulihin ito ng NBI - NCR at ikulong sa NBI headquarters sa Manila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nataranta si Danny ‘blade’ ng sumabog ang kanyang paihi sa Barangay Mambog, Hermosa, Bataan at nagka-peste,peste ang apat niyang tauhan ang kanyang apat na tauhan.

‘Si alyas Danny ‘blade’ ay ex-burongoy kupitan sa kanilang probinsiya.’

Abangan.

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

BATAAN

KUWAGO

MGA

MISMO

ORA

PAIHI

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with