^

PSN Opinyon

Stroke: Paano iiwasan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY 2 klase ng stroke. Kadalasan, ang stroke ay dahil sa nagbara ang ugat sa utak ng tao (Medical term: Ischemic stroke). Ngunit may pagkakataon naman na ang stroke ay nagmula sa pagdugo ng utak dahil may ugat na pumutok (Medical term: Hemorrhagic stroke).

Parehong seryoso itong sakit at kailangang dalhin agad sa ospital ang pasyente. Ang posibleng senyales ng stroke ay ang panghihina ng isang parte ng katawan, pagkabulol, pananakit ng ulo, at panlalabo ng mata.

Noong nakaraan, nabanggit ko na dapat makontrol ang blood pressure, blood sugar at cholesterol level ng pasyente para makaiwas sa stroke. Ang sigarilyo at alak ay dapat ding itigil. Heto ang ilan pang mga paraan para makaiwas sa stroke:

1. Umiwas sa matatabang pagkain tulad ng karneng baboy at baka. Bawasan din ang pagkain ng mantikilya, cakes at sitsirya.

2. Kumain ng 2 tasa ng gulay at 2 tasa ng prutas araw-araw.

3. Mag-relax at magsaya. Dalhin ng magaan ang iyong trabaho o problema.

4. Huwag palaging nagagalit. Baka tumaas ang iyong blood pressure. Matutong makisama sa ibang tao.

5. Matulog ng 7-8 oras. Magpahinga ng sapat para mapa­lakas ang iyong katawan.

6. Huwag magbiyahe nang tuluy-tuloy. Nakapapagod din ang pagbibiyahe kapag maraming lugar kayong pupuntahan. Planuhin itong maigi at bigyan ng sapat na araw para magpahinga.

7. Bawasan ang pag-inom ng kape. Hindi pa klaro kung mabuti o masama ang epekto ng kape sa katawan. Hanggang 2 tasa lang ang inumin at baka magkaroon ka ng high blood pressure at palpitasyon.

8. Panatilihing malambot ang iyong dumi. Kumain ng prutas tulad ng papaya, pakwan, pears at mga gulay para lumambot ang dumi. Uminom din ng sapat na tubig.

9. Uminom ng aspirin kung kinakailangan. Itanong sa doktor kung makatutulong sa iyo ang aspirin 80 mg tablet.

10. Magkaroon ng healthy lifestyle. Mag-ehersisyo, huwag magpataba at kumain ng masustansya. Sundin ang mga pa­yong ito para makaiwas sa stroke.

ACIRC

ANG

BAWASAN

DALHIN

HANGGANG

HETO

HUWAG

ITANONG

KUMAIN

STROKE

UMINOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with