^

PSN Opinyon

Yoyo Dav: Ang ‘yoyo’ ng Davao City

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BILIB na sana ako kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte noong araw bagama’t hindi pa rin ako kumbinsido na dapat siyang maging Pangulo ng bansa. May pagka-Dirty Harry kasi ang estilo niya laban sa mga kriminal. Ang kinabibi­liban ko sa kanya ay ang kanyang matatag na political will na pinatunayan niya sa Davao City na halos walang kriminalidad na nangyayari porke ginagawang “pataba” sa mga isda sa dagat ang mga kriminal.

Pero dahil sa urung-sulong niyang estilo, nawala ang pagkabilib ko sa kanya. Para niyang tsinutsubibo (pinaiikot) ang tao. Kung baga sa artista, parang nagpapa-primadona. Sa modernong terminolohiya, “nagpapa-bebe.” Parang yoyo na urung-sulong, atras-abante. Kung usung-uso ngayon si Yaya Dub, siya naman si Yoyo Dav – ang yoyo ng Davao.

Sa mga nakalipas na panahon, laging nagpakita si Duterte ng personalidad ng isang “macho man.” May pani­nindigan sa lahat ng desisyong inaakala niyang tama kahit sa paningin ng iba ay mali. Wika nga, isa siyang “no-nonsense guy”.

Pero nang dumating sa usapin ng kanyang ambisyon sa labas ng politika sa Davao, nakakadismaya ang ipina­kita niyang asal! Sabi nga ng kaibigan ko “disgus­tingly indecisive.” May okasyong sinabi niyang tatakbo siyang pre­sidente pero pagkatapos ay binabawi ang sariling salita­. Ilang beses nangyari ito.

Nakakaintriga ang iniaasal ni Mr. Duterte. Parang bini­bitin niya ang kanyang mga political funders para ibuhos na sa kanya ang lahat ng tulong pananalapi para maging pinal ang kanyang desisyong tatakbo bilang Pangulo.

At bakit ginagamit niyang dahilan sa kanyang desis­yong tumakbo ang hatol ng Senate Electoral Tribunal (SET)  na nagdedeklara kay Grace Poe na natural-born Filipino? Mula pa nung una ay alam kong scripted ang ginagawa ni Duterte at mayroon siyang scripwriter na tila hindi nag-iisip. Dapat malaman ni Mr. Duterte na nakasisira sa kanyang pagkalalaki ang ginagawa niyang “laban-bawi”.

Siguro lahat ng mga pumapabor kay Duterte ay napapaisip ngayon: Mapagkakatiwalaan ba ang taong walang isang salita?  Kapag pinupuna naman si Duterte ay halatang nanggigigil siya sa galit. Pikon. Gusto ba natin ang ganyang Presidente? Ipagkakatiwala ba natin ang ating hinaharap sa isang taong hindi matantiya kung ano ang magiging desisyon? Iyan ang bagay na dapat nating pakaisiping lahat.

ACIRC

ANG

DAVAO

DAVAO CITY

DIRTY HARRY

DUTERTE

GRACE POE

MR. DUTERTE

NIYANG

PANGULO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with