Balik-probinsya sagot sa trapik
KAWAWA ang mga workers sa loob ng Metro Manila dahil sa sobrang sikip ng trapiko. Ubos-oras sa biyahe papasok at pauwi kaya lantang-gulay na at kulang sa tulog ang marami. Tapos nagkaroon pa ng APEC Summit. Isinara ang EDSA, Roxas Boulevard at marami pang kalye. Alay-lakad ka na papasok sa initan, pauwi ay walkathon ka pa uli sa gabi! May APEC man o wala, talagang ang trapik sa Metro ay malala!
Kaya nga marami ang kinukonsidera ang paglipat sa probinsiya kasabay sa pagbubukas ng maliit na negosyo sa harapan ng bahay tulad ng sari-sari store. Kasi nga ay ikaw na ang sarili mong boss at hindi mo na kailangan pang makipagsiksikan sa LRT, MRT, bus o jeep.
Iyan naman talaga ang gusto ng bawat administrasyong naupo. Balik-lalawigan. Kaya sana marami pang mga industriya ang umusbong sa mga lalawigan kasabay ng pagkakaroon ng murang pabahay sa mga ordinaryong mamamayan. Sana iyan ang ibunga ng katatapos na APEC summit ano?
May kilala akong mag-asawang lumikas sa isang subdivision sa Cavite na Lancaster New City. Ito ay sina Wilrito at Lucy Parano. Anila ang kanilang lugar ay walang baha at naging comfort zone nilang magpapamilya. Sa harap ng kanilang bahay ay nagtayo ng shawarma shop ang mag-asawa na patok na patok sa kanilang mga suki at pati sa mga napapadaan sa kanilang kalye. Importante ang magandang location na malapit sa malls, schools, simbahan, industrial hubs etc. at very accessible din sa Metro Manila kung kailangan ninyong lumuwas.
Sabi ng kakilala ko, hindi sila nagsisisi sa nabili nilang tahanan sa Property Company of Friends o Pro-Friends at ang mga projects nito tulad ng Lancaster New City sa Cavite kung saan naninirahan na ang may 15,000 families sa 1,500 ektaryang property na sumasaklaw sa mga bayan ng Kawit, Imus at General Trias.
Importante rin na ang mga mag-asawang balak lumikas ay katulad ng mag-asawang Parano na marunong dumiskarte na magpundar ng kahit maliit na negosyo. Ngayon, kahit gusto nilang lumuwas sa Maynila ay madali dahil inaabot lang ang biyahe ng 20-minuto.
- Latest