^

PSN Opinyon

“‘Pera-pera lang’ sa survey?”

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANO ba talaga ang layunin ng survey?

Para kunin ang totoong pulso ng tao o para kumita ng milyones ang mga survey firm? Mawalang galang lang nagtatanong lang po.

Baka kasi sa halip na makuha ang totoong preference ng taumbayan, ang resulta nahahaluan ng mga panlilinlang kapalit ng kulay at kalansing ng pera.

Depende kung sinong personalidad ang nangomisyon sa survey siya ang may mataas na porsyento. Pabor sa kaniya ang resulta at sa partido.

Sa maikling salita, ang survey firm alipin ng salapi at nang kung sinumang principal na kumuha sa kanilang serbisyo.

Sa sistema ng mga malalaki at respetableng survey firm sa bansa tulad ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS), hindi klaro ang kanilang pamamaraan.

Hindi malinaw kung papaano kinukuha ang numero at pananaw ng kanilang mga case study na hindi rin inilalantad sa publiko.

Itinuturing nilang sikreto ang buong metodolohiya. Hindi transparent. Kung ano ang totoong pulso ng tao, sila-sila lang ang nakakaalam.

Ang nangyayari, kung ano lang ang pagitang porsyento ng nagpakomisyong kandidato laban sa mga katunggali niyang kandidato yun lang ang inilalabas nila sa media.

Isang tipikal na halimbawa ang survey sa mga kakandidato sa pagka-pangulo.

Survey firm ang may discretion at desisyon kung sino lang ang pagpipilian ng kanilang mga case study. Limitado lang ang mga pangalan na kanilang ipagduduldulan.

Pero ang bilang ng mga undecided o hindi sigurado sa mga inilulutang nilang tatakbo sa pwesto, wala.

Sadyang ayaw at hindi talaga nila inilalagay sa pagpipilian ang mga sagot na ‘wala akong pakialam’ ‘hindi ako interesado’ at ‘wala akong gustong kandidato’ na magiging panukat sana ng totoong pananaw ng mga boboto.

Sa simpleng Juan at Juana Dela Cruz isa lang ang naglalaro sa kanilang malikot at malisyosong isipan. Pera-pera lang ‘yan kaya pati paglalabas ng mga numero pilit minamanipula ng mga survey firm.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ACIRC

ANG

HINDI

ISANG

JUANA DELA CRUZ

LANG

MGA

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with