^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Labanan ang terorismo

Pilipino Star Ngayon

APAT na araw bago idaos ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Manila, dumagundong ang kaguluhan sa Paris, France nang sumalakay ang ISIS militants at nagsagawa ng suicide bombing at pamamaril sa mga sibilyan na ikinamatay ng 129 katao at nag-iwan ng daan-daang sugatan. Kaya naging highlight sa pagtatapos ng APEC summit noong Huwebes ang lumalalang tero­rismo at nagkaisa ang mga lider na magtutulungan para ganap na masugpo ang  terorismo sa mundo.

Isa sa mga paraan na inilahad para mapigil ang pagsalakay ng mga terorista ay ang pagpigil sa pondong pera na dumadaloy para sa terorismo. Isang paraan din ay ang pagpigil sa mga taong pinaghihinalaang miyembro ng terorista. Hindi raw dapat hayaang makapasok sa mga bansa ang mga terorista.

Hindi pa man nakakabangon ang France sa ginawa ng mga terorista, sinalakay din ng mga tero­rista ang isang hotel sa Mali at hinostage ang mga customer doon. Sa latest report, 20 na ang patay sa hostages.

Lumalaganap ang terorismo sa mundo. Pero bago pa man ang malalaking pag-atake ng terorista, nakaranas na rin ng ganito ang bansa. Pinakama­lagim ay nangyari noong Disyembre 30, 2000 kung saan limang pagpapasabog ang ginawa nang sabay-sabay sa iba’t ibang lugar at ikinamatay ng 22 katao at ikinasugat nang mahigit 100. Pinakarami ang namatay sa LRT-Blumentritt Station kung saan itinanim ang bomba sa isang coach.

Muling nagkaroon ng pambobomba noong Pebrero 14, 2003 sa isang bus na nakahimpil sa ilalim­ ng Ayala Avenue MRT Station na ikinamatay ng apat katao. Tinagurian iyon na Valentine bombing­. Nagkaroon din ng pambobomba sa SuperFerry noong Feb. 2004 na ikinamatay nang maraming tao.

Mahalaga ang naging pag-uusap ng 21 lider sa APEC summit ukol sa terorismo at kung paano ito mapipigilan at madudurog. Mahalaga rin naman na maging mapagmatyag ang mamamayan sa galaw ng mga kahina-hinalang tao at nag-iiwan ng mga bagay na maaaring bomba. Maging mapagbantay at laging handa upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga kampon ng kasamaan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYALA AVENUE

BLUMENTRITT STATION

DISYEMBRE

FEB

HUWEBES

ISA

MAHALAGA

MGA

PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with