^

PSN Opinyon

‘Nagso-solicit gamit ang BITAG’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMI na namang makakapal ang mukhang guma­gamit ng pangalan ng BITAG.

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng tibay ng sikmura at laman loob para mangolekta ng pera.

Nangingikil sa mga pobreng Juan at Juana Dela Cruz maging sa mga pribadong indibidwal, negos­yante, pulitiko at mga opisyal ng gobyerno.

Tumatawag at nakikipagtransaksyon sa telepono o ‘di naman kaya sa pamamagitan ng mga solicitation letter. Ikinukubli ang katarantaduhan at sasabihing ipadala nalang ang pera sa mga remittance company.

Hindi na ito bago. Matagal na ako, si BEN TULFO na nagbibigay ng babala hinggil dito subalit marami pa rin ang mga nabibiktima.

Magmumukha na akong sirang plaka sa kakaulit sa babalang ito. Hindi humihingi, nangongolekta o nagso-solicit ng pera ang BITAG o sinuman sa TULFO BROTHERS.

Hindi ko rin estilo na humingi ng tulong o utusan ang mga staff  ng BITAG na tumawag sa mga taong hindi namin kilala. Bilang lang ang mga tinatawagan naming pinagkakatiwalaang kaibigan na nakakausap ng harapan o face to face at eyeball to eyeball.

Marami na ang mga nakaabot sa aming tanggapan na hiningan ng pera ng mga nagpapakilalang BEN TULFO at BITAG.

May mga pobreng complainant mula sa iba’t ibang probinsya na pinangakuang aaksyunan agad ang kanilang reklamo at sumbong kung magpapadala ng pera at mayroon ding mga pulitiko na para sa akin, kaya kuntodo bigay din agad dahil may mga itina­tagong baho.

Patuloy na babala ng BITAG sa Luzon, Visayas at Mindanao, huwag magpapaniwala.

Sinuman ang lalapit sa inyo gamit ang pangalan ko o may kaugnayan daw sa akin at magkukubra ng pera personal ninyong papuntahin sa inyong tanggapan at maghanda na agad kayo ng BITAG.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

BILANG

BITAG

IKINUKUBLI

JUANA DELA CRUZ

LUZON

MGA

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with