^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang kaluluwa!

Pilipino Star Ngayon

WALANG ipinagkaiba ang Abu Sayyaf sa ISIS militants na nagsagawa ng pambobomba sa Paris, France noong nakaraang linggo na ikinamatay ng 129 katao. Pareho silang walang kaluluwa na ang binibiktima ay mga inosenteng mamamayan. Sa kagustuhang maghari sa mundo, balewala sa kanila ang pumatay. Karaniwan na lamang ang pagpatay sa kanila at tila ipinagmamalaki pa.

Ang Abu Sayyaf ay marami nang kinidnap at pinatay. Kapag hindi naibigay ang ransom, papa­tayin ang bihag sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo. Gaya ng ginawa sa kanilang bihag na Malaysian na si Bernard Then na pinugutan ng ulo noong Martes sa Bgy. Bud Taran, Indanan, Sulu. Dinukot si Then at kasamang babae na si Thien Nuk Fun ng mga bandidong Sayyaf noong Mayo 15 sa Ocean King Restaurant sa Sandakan, Malaysia. Dinala sila sa Sulu. Nakalaya ang kasamang babae ni Then noong Nobyembre 9 nang magba­yad ng ransom. Sabi ng military, pinatay si Then ng Abu Sayyaf makaraang hindi makapagbayad ng ransom.

Itinaon ang pagpugot kay Then habang nasa bansa si Malaysian Prime Minister Najib Razak at dumadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit. Sabi ni Razak, mga barbaro at hindi sibilisado ang mga taong pumatay sa kanyang kababayan. Hiling niya sa mga awtoridad na hulihin at pagbayarin ang mga pumatay kay Then. Wala aniyang puwang sa mundo ang mga barbaro. Ayon pa sa Malaysian leader, handa silang makipagtulungan sa ikadadali ng imbestigasyon. Kailangan aniyang malutas sa madaling panahon ang pagpatay kay Then. Ipinaabot ni Razak ang pakikiramay sa mga naulila ni Then.

Wakasan na ang pangingidnap at pagpatay ng mga barbarong Abu Sayyaf. Tugisin ang mga ito at huwag nang hayaan pang makapambiktima. Ngayong makikipagtulungan ang Malaysian para mahuli ang mga kriminal, nararapat magpursigi ang Philippine National Police (PNP) para mada­kip ang mga walang kaluluwang Sayyaf! Huwag na silang tantanan. Sila ang dahilan kung bakit maraming negosyante ang natatakot mag-invest sa Mindanao.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ACIRC

ANG

ANG ABU SAYYAF

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BERNARD THEN

BUD TARAN

MALAYSIAN PRIME MINISTER NAJIB RAZAK

MGA

OCEAN KING RESTAURANT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with