^

PSN Opinyon

Droga sa San Jose, Nueva Ecija

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM kong talamak ang problema sa droga sa ating bansa. Pero sabi ng isa sa ating mga readers na taga-Nueva Ecija, mas malala ang suliranin sa kanilang lugar. Hindi lang daw kabataan ang tinatarget ng masamang bisyong ito kundi pati mga katandaan. Nag-email sa akin ang naturang reader na ayaw nang banggitin ang pa-ngalan. Aniya, pati nakatatanda niyang kapatid na babae ay nalulong na rin sa bisyong ito. Tawagin na lang natin siyang Concerned Citizen. Heto po ang kanyang sulat:

Sumulat po ako sa inyo upang ipaalam ang paglaganap ng pinagbabawal na droga sa aming bayan sa San Jose City, Nueva Ecija.

Hindi lamang ang mga kabataan ang madaling mahikayat sa paggamit nito kundi pati na ang matatanda na may edad na 40 pataas.. na alam na ang tama at mali. Grabe na ang nangyayari sa aming bayan. Ang kapulisan naman ay parang inutil sa pagsugpo nito. Ilang hepe na ang napalitan pero wala pa rin nangyayari. May nahuhuli man pero mas lalo dumadami ang nagtutulak, lalo na sa baranggay Sto. Niño at  sa pinakamalaking baranggay sa  Abar Primero.  Sabihin natin sa buong barangay ng aming bayan. May nahuhuli naman na pailan-ilan ngunit parang kabute ang pagsulpot ng mga nagtutulak ng mapaminsalang shabu na ito.

Sana ang bagong hepe ay maging seryoso sa paghuli sa mga halimaw na nagtutulak na mga yan. Malapit nang matapos ang termino ng aming alkade, sana yung susunod na uupo sa munisipyo ang pangunahin niyang plataporma ay ang pagwalis o pagsugpo sa iligal na drogang ito. Sa katunayan, ilang buwan lamang ang nakalipas isang drayber ng ambulansiya ang nahuli mismo sa loob ng bakuran ng city hall na gumagamit ng shabu. Kaya maraming krimen ang nangyayari sa aming siyudad ang kadahilanan ay ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot. Isa sa mahal ko sa buhay ang naging alipin na ito.. maraming pamilya ang nawasak sa masamang bisyo. Ako ay na-ngagarap na maging drug free ang aming bayan...pati na sa buong kapuluan!!!! — Concerned Citizen

ABAR PRIMERO

AMING

ANG

ANIYA

ATILDE

CONCERNED CITIZEN

GRABE

HETO

ILANG

NUEVA ECIJA

SAN JOSE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with