^

PSN Opinyon

Di-kilalang bida ng rebolusyon

Danton Remoto - Pilipino Star Ngayon

MARAMING bayani sa ating bansa ang hindi natin kilala. Isa na sa kanila si Gliceria Marella-Villavicencio.

Kahit na isa siyang ilustrado, o mayamang Pilipino na may halong Kastila ang dugo, ang puso naman niya ay tunay na Pilipino. Hindi siya nagdalawang isip na tumulong sa mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila. Kasama ang asawang si Eulalio, namigay sila ng mga polyeto at mga kopya ng dyar­yong La Solidaridad, ang diyaryo ng rebolusyon na pinatnugutan ni Marcelo H. del Pilar. Kabilang sina Jose Rizal at Antonio Luna sa mga nagsulat sa matapang na diyaryong ito.

Nagbigay rin ang mag-asawang Villavicencio ng donasyong 18 piso para kay Dr. Jose Rizal noong 1892.  Para naman ito sa propaganda movement laban sa mga Kastila.

Dahil dito, sinuyod ng guardia civil ang kanilang bahay at ikinulong si Eulalio sa kasong sedisyon.  Gusto ng mga Kastilang kumanta sa Gliceria ng mga nalalaman niya sa Katipunan – kapalit ang kalayaan ng asawa.

Pero hindi niya ito ginawa. Ang sabi niya: “Kahit mahal ko ang aking asawa’y hindi ko ipagkakanulo ang rebolusyon. Kabaliwang dalhin ang kanyang pangalan kung mapalaya man siya ay nagtraydor naman ako sa kanyang ipinaglaban.”

Matapos mamatay ang may-sakit na asawa, itinuloy ni Gliceria­ ang pagtulong sa mga rebolusyonaryo. Ibinigay pa nga niya sa mga ito ang kanyang bahay para magamit ng mga ito. Ang kanya namang barkong Bulusan ay ibinigay niya kay Heneral Emilio Aguinaldo, para sa ating Philippine Army.

Ang Bulusan ang naging unang barkong pandigmaan ng ating rebolusyon. Dahil sa magiting niyang pagtulong sa ating rebolusyon, tinawag siyang Madrina General de las Fuerzas Revolucionaries, o “Matriarch General of the Revolutionary Forces.”

Isa si Gliceria Marella-Villavicencio sa mga “Ina ng Rebo­lusyon.” Ginamit niya ang kanyang kayamanan hindi para lalo pang yumaman. Ginamit niya ito para pondohan ang rebolus­yon na magpapalaya sa bayan.

Para sa komento: [email protected]

ACIRC

ANG

ANG BULUSAN

ANTONIO LUNA

DAHIL

DR. JOSE RIZAL

EULALIO

GLICERIA MARELLA-VILLAVICENCIO

KASTILA

MGA

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with