^

PSN Opinyon

“Batang may bubog”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

TAYO LANG YATA SA MUNDO na sa lahat ng lugar may piyesta.

Sa ganitong kasiyahan parating may inuman at kapag may inuman hindi naiiwasan ang gulo.

“Nakita na ang apo ko ng mga bayolenteng bagay sa edad na limang taon. Naranasan niyang tahian sa likod dahil sa pag-aamok nila,” sabi ni Josefina.

Ika-31 ng Agosto 2015 nang idaos ang piyesta sa lugar nina Josefina Flores sa Guinuayangan, Quezon.

Nagsisitunugan na ang banda bandang alas diyes ng umaga kaya napalabas na si Josefina kasama ang kanyang apo na itatago namin sa pangalang ‘Rico’ limang taong gulang.

Pinanood nila ang grupo ng mga nagsasayaw kasunod ng mahal na Patron ng Nuestra Se?ora.

“Malapit kami sa estante sa bilihan ng spare parts. Bigla na lang may mga nag-aamok na hindi naman namin alam kung ano ang dahilan,” sabi ni Josefina.

Inihahataw ng isang lalaki ang dos por dos sa kung sino man ang madaanan. Nandun din nun ang kapatid ni Josefina at tiyuhin.

Itinago ni Josefina si Rico sa kanyang likuran para huwag masak­tan saka sila napasiksik sa may estante ng tindahan.

“Kitang-kita kong may hinataw na binatilyo sa harapan ko si Egay. Tumalsik yung tao sa estante at nabasag,” salaysay ni Josefina.

Sumigaw sa iyak ang kanyang apo sabay sabing “Mama sakit”. Tiningnan niya ang apo at may dugo na ito sa katawan at ulo. Tinamaan ng basag na bubog galing sa estante.

Agad na naghanap ng tiyempo si Josefina at dinala sa ospital si Rico. Hindi niya na alam kung paano natapos ang naging pag-aamok ng mga kalalakihan.

“Dalawang tahi sa likod ang ginawa sa apo ko. May mga pulis na dumating at kinausap kami tungkol sa nangyari,” ayon kay Josefina.

Hindi lang ang kanyang apo ang nasaktan sa nangyari kundi marami pang ibang nadamay.

Nakita niya rin sa Medicare Hospital ang tiyuhin at kapatid niya na ginagamot. Balita sa kanya hinataw daw sa mukha ang kapatid ng dos por dos.

Isang nagngangalang Macao Sanchez ang unang nanuntok dito at sinundan naman ng alyas Egay ng hataw sa hawak na dos por dos.

Ang masaya sanang panonood nila sa programa ng piyesta ay nauwi sa sakitan.

“Parang wala namang nangyari sa naging imbestigasyon. Hindi daw papasok ng child abuse yun dahil aksidente daw ang pagkakabasag ng estante,” wika ni Josefina.

Giit ni Josefina wala namang masasaktan kung hindi nanggulo ang mga kalalakihan. Hindi rin nakapasok sa kanyang trabaho si Josefina dahil siya ang nagbantay sa apo.

Sabi pa raw sa kanila ng pulis kailangan daw nilang kumuha ng endorsement mula sa barangay. Ipinasa rin daw sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil ibang usapin daw kapag may kinalaman sa bata.

Si PO1 Maregold Chan daw ang kumausap sa kanila.

Ika-tatlo ng Setyembre bandang alas 8:30 ng umaga nang makausap nila ang kapatid ni Egay. Dala ni Josefina ang lahat ng tala ni Rico sa ospital kung ano ang natamo niyang pinsala.

Bitbit niya rin ang mga resibo ng pinagbayaran dun na sisingilin niya dapat sa mga ito dahil sila naman ang dahilan kung bakit naospital ang bata.

“Wala namang nangyari sa pag-uusap namin. Hanggang ngayon wala na akong balita kung ano na usad ng inilapit namin sa kanila. Kailangan ko ng magtrabaho kaya nandito na ako sa Manila,” kwento ni Josefina.

Hindi rin naman daw ito iniintindi ng barangay kaya parang natulog na ang insidente.

Dagdag pa ni Josefina sa murang isipan ng kanyang apo marami ng hindi magandang bagay ang nasaksihan nito na maaring maka-apekto sa kanyang paglaki.

Tanong pa niya hindi ba raw masasabing child abuse yun at wala ba silang pwedeng ikaso sa mga taong nanggulo?

Gusto niya ring pagbayarin ang mga ito sa perwisyong idinulot nito sa kanila at maging sa mga nagastos nila sa ospital.

Minsan na raw nakulong itong si Egay dahil sa droga at hindi pa nagtatagal sa labas ay nanggulo naman.

“Kung ano ang nararapat na parusa sa kanila at naayon naman sa batas yun sana ang mangyari. Ngayon kasi parang wala ng mangyayari sa ginawa nilang gulo. Sana mapayuhan niyo kami sa pinakamagandang dapat  naming gawin,” wika ni Josefina.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan matapos ang piyesta ng walang gulo. Maidaos ng matahimik at maayos.

Ang humataw sa binatilyo at naging dahilan ng mga sugat ni Rico ang dapat na ireklamo nina Josefina.

Kayong mga pulis bakit hindi kayo kumilos? Anong inaantay ninyo na may mamatay na bata bago kayo mag-imbestiga at magsampa ng kaso?

  Yung taong itinuturo ni Josefina ang dapat sinampahan ng kaso. Anong ginawa ninyo? Ibigay ninyo sa barangay!

 Dapat makasuhan ito ng Physical Injuries in Relation to RA 7610.

Maaari rin kayong makasuhan ng Dereliction of Duty dahin sa wala aksyon kayong ginawa,

 (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ACIRC

ANG

APO

DAW

EGAY

HINDI

JOSEFINA

KUNG

MGA

RICO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with