^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Palpak na Yolanda rehab agencies

Pilipino Star Ngayon

KAYA mabagal ang rehabilitasyon sa Eastern Visayas na sinalanta ng Bagyong Yolanda noong Nob. 8, 2013 ay dahil sa kapalpakan ng mga ahensiya ng gobyerno. Hindi isinasagawa ng mga ahensiya ang kanilang tungkulin para maging mabilis ang pagbangon ng mga taong nasalanta ng supertyphoon. Maraming programa para sa mga biktima subalit hindi ito nai-implement.

Ito ang isiniwalat ni dating presidential assistant for rehabilitation and recovery Panfilo Lacson noong nakaraang Linggo, ikalawang anibersaryo ng Yolanda. Inilagay siya sa puwesto ni President Aquino ilang buwan makaraang manalasa ang Yolanda subalit nagbitiw sa puwesto noong nakaraang Pebrero.

Ayon kay Lacson, mabagal ang rehabilitasyon sapagkat mabagal din ang pag-release ng pondo para sa mga biktima. Nasa 171 siyudad at bayan ang nasalanta ng bagyo at lubhang napakabagal aniya ng recovery at rehabilitasyon. Ayon pa kay Lacson, nirekomenda ng kanyang tanggapan na buhusan nang pondo ang mga lugar na napinsala at tulungan ang mga biktima na makatayo sa sari­ling mga paa subalit ang kanyang rekomendasyon ay hindi nagkaroon ng katuparan sa kabila na ina­prubahan na ito ng Presidente. Umano’y P167.8 bil­yon ang pondo para sa rehabilitasyon subalit hindi umano ito sinunod ng implementing agencies.

Palpak ang mga ahensiya ng gobyerno. Sila ang dapat sisihin kung bakit hanggang ngayon ay napakabagal ng rehabilitasyon sa mga napinsalang lugar. Hanggang ngayon may mga nakatira pa sa mga bunk houses. May mga itinayong bahay subalit kulang na kulang sa pasilidad. Walang tubig at kuryente. Ang kabagalan sa rehabili­tas­yon­ ang napuna rin ni Chaloka Beyani, ang UN special rapporteur on human rights of internally displaced person na bumisita sa mga biktima ng Yolanda noong nakaraang taon. Ayon kay Beyani­, bagama’t may mga bahay o tirahang ginawa, wala namang sapat na tubig, kuryente at iba pang panga­ngailangan.

Totoo ang sinabi ni Lacson, hindi ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang trabaho. Sana inihayag niya ang pangalan ng mga ito para malaman ng sambayanan.

ACIRC

ANG

AYON

BAGYONG YOLANDA

CHALOKA BEYANI

EASTERN VISAYAS

LACSON

MGA

PANFILO LACSON

SHY

YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with