^

PSN Opinyon

Pangako

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG Linggo, inalala ng ilang biktima ang pananalasa ng Bagyong Yolanda sa Tacloban City. Hindi nawala ang mga plastik na pulitiko sa naturang pagtitipon dahil ito ang panahon na makabulag sila ng botante. Ang masakit pa nito no show ang ilang opisyales o manok ni P-Noy. Umiiwas kaya sila na mapahiya sa kantiyaw hinggil sa kung papaano ginastos ang donasyon ng foreign countries o baka naman may mas mahalaga silang pinagkaabalahan bilang paghahanda ng APEC Summit? Tumulo ang luha ng survivors nang pasinayaan ang memorial markers ng may 6,000 tao na iniwang patay ni Yolanda. Malaki na ang pinagbago ng Tacloban City makalipas ang dalawang taon subalit bakas parin ang pinsala at nakakitaan pa rin ang paghihirap ng ating mga kababayan. Mukhang hindi kuntento ang Taclobanos sa tulong ng Department of Social Welfare Development dahil marami pa rin ang nakatira sa temporary housing na itinayo ng pamahalaan.

Subalit sa ilang masuwerteng residente na nagkaroon ng bahay at lupa may ngiti na sila sa labi. Sa ilang residente na aking nakausap sa pamamagitan ng telepono, labis-labis ang pasasalamat sa mga pribadong kompanya sa walang hum-pay na pagkaloob ng tulong kabilang na riyan ang Damayan Foundation ng Star Group of Publication sa pagkaloob sa kanila ng relief goods at mga school building. Ang walang patid na tulong mula sa TV Networks at mga foreign missio-naries ang naging inspirasyon nila upang muling umahon sa kahirapan. Subalit ang tulong na galing mismo sa pamahalaang Aquino ay super bagal ang dating. Ngunit ngayon na nalalapit na ang 2016 eleksyon, unti-unti nang lumulutang ang mga plastik na pulitiko sa kanilang lugar upang tuligsain ang palpak na sistema ng pamamahagi ng donasyon.

Kaya ang panawagan nila kay P-Noy unahin muna ang pangkabuhayan ng mga Taclobanos upang hindi sila maging pabigat sa gobyerno. Samantala sa lalawigan naman ng Panay Island na kinabibilangan ng Capiz, Iloilo at Antique naguguluhan parin ang mga pininsala ni Yolanda. Kasi nga hanggang sa ngayon marami pa ang hindi nakakatanggap ng ayuda mula sa DSWD, bagamat may ilang residente na ang nakatanggap ng P30k marami parin ang hindi nakakatikim ng tulong, iyan ang dapat na busisihin ni Secretary Dinky Soliman. Kung nais nitong si Soliman na mawala ang agam-agam at paghihinala ng mga nabiktima ng Yolanda hingil sa Foraign Donation isyu, ipalathala niya sa diyaryo kung papaano ginamit, saan ginamit at sino ang pinagbigyan ng mawala ang kanilang hinala. Di ba mga suki! Dahil habang nakatengga ang mga proyekto na ipinangako sa mga biktima lalo lamang lumulubog ang “Tuwid na Daan” project ni P-Noy. Abangan!

 

vuukle comment

ANG

BAGYONG YOLANDA

DAMAYAN FOUNDATION

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT

FORAIGN DONATION

MGA

P-NOY

PANAY ISLAND

SECRETARY DINKY SOLIMAN

TACLOBAN CITY

YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with