^

PSN Opinyon

Kunsintidor si Abaya

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

INUTUSAN ni President Aquino si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Abaya­ na siyasatin ang tanim-bala raket na umiiral sa Ninoy Aquino­ International Airport.

Nagdesisyon si Aquino na magpaimbestiga nang grabe na ang nangyaring kasiraan at hanggang sa ibang bansa ay nakarating na ang kahihiyang ito ng ating gobyerno.

Bakit ba laging huli kung magdesisyon si Aquino. Ang kanyang desisyon sa pamamahala ay katulad ng kanyang de­sisyon sa kanyang love life, always late.

Ito namang kanyang alipores na si Abaya ay kilalang-kilala sa pagiging kunsintidor. Kaya asahan natin na ma­aabsuwelto ang kanyang mga tauhan. Itaga ninyo sa bato ang aking sinabi. Tiyak na magkakatotoo.

Hindi nga ba sa isinagawang imbestigasyon sa MRT 3 maintenance contract deal ay inabsuwelto ni Abaya ang kanyang mga tauhan?

Ayaw niya silang pakasuhan. Bakit kaya? Dahil ba sa mayroon din silang alam na sekreto ni Abaya na hindi lamang­ nakahihiya kundi maari niyang ikasira pag na­bulgar? Katu­lad ng mga eskandalosong kontrata sa mga palpak na tren?

Mabuti na lamang at binutata ng Ombudsman si Abaya kaya nakasuhan ang kanyang mga tauhang liku-likong daan ang tinalunton. Isa na namang kahihiyan sa admi­nistrasyong Aquino.

Kung nais ni Aquino na malaman ang nakahihiyang katotohanan sa tanim-bala raket, dapat hindi ang DOTC ang inu­tusan niyang nagsiyasat.

Dapat ay isang independent body ang nag-imbestiga para lumitaw ang buong katotohanan. O baka naman talagang sinadya­ ni Aquino na si Abaya ang magsiyasat para mapagtakpan ang kanilang kapalpakan.

Paano ko natiyak na walang patutunguhan ang gagawing pagsisiyasat ni Abaya? Simple lang po. Itong si Abaya ay manang-mana kay Aquino sa pagiging kunsintindor, kaya never na uusigin niya ang kanyang mga tauhan.

Incompetent na, makakapal pa ang mukha. Garapalang sinabi ni MIAA general manager Jose Angel Honrado na hindi siya magre-resign maliban na lamang kung ipag-utos ng kanyang panginoon.

Wala talagang kahihiyan. Kaya wala tayong aasahang matinong pamamahala mula sa student government ng isang presidenteng walang karapatang mamuno.

ABAYA

ACIRC

ANG

AQUINO

BAKIT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

INTERNATIONAL AIRPORT

JOSE ANGEL HONRADO

KANYANG

KAYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with