^

PSN Opinyon

Color games

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON ng hatinggabi nagiba ang bakod na tabing ng dalawang puwesto ng color games sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila nang salakayin ng mga tauhan ni NCRPO director Joel Pagdilao. Lima ang naaresto at nakakulong na sa NCRPO-Regional Police Intelligence Operation Unit sa Camp Bagong Diwa, Taguig City na nakilalang sina Ronel Guevarra, Rodel Layugan, Ademar Valios, Jaime Castel at James De Leon. Ayon kay Inspector Joy Opalet, ng RPIOU raiding team maraming kabataan pa ang kanilang ni-release doon mismo sa lugar matapos ang pananalakay. Subalit ang lima ay kanilang binitbit sa Bicutan upang sampahan ng kaso kasama ang mga lamesa, color games paraphernalias at pera na mga taya sa naturang illegal na sugal. Sa ganitong sitwasyon, mukhang napanis na ang laway ni Pergalan Queen Marissa at hindi naisalba ang kanyang mga personnel sa pagsalakay ng RPIOU.

Maging ang kontak niyang mga hao shiao media sa MPD Press Corps ay di siya tinimbrehan kung kaya naisakatuparan ang pagsalakay. Hehehe! Sa ganitong sitwasyon, magiging open eye ito kay MDP director C/Supt. Rolando Nana dahil nagkatotoo ang aking mga Banat sa kanya di ba mga suki? Kasi noong nakalipas na mga isyu ko ipinukol  itong malawak na operasyon ng Drop Ball sa Algeciras kanto ng Laon Laan, Sampaloc, Manila. Hitik na hitik sa mga sugarol na parukyano ang pasugal ni Marissa na hindi man lamang pinapansin ni Supt. Mannam Muarip sa kabila ng aking pagbabanat. Nag-ugat itong aking pagbanat mga suki, matapos na magreklamo itong mga taga-Sampaloc sa lan-tarang operasyon ng Color Games at Drop Ball ni Marissa na labis na nakakaperwesyo sa kanilang mga kabataan. Ngunit sa halip na salakayin at patigilin ni Nana ang operasyon ng sugal lupa ay naging bingi’t pipi ito sa isyu.

Subalit ngayon na mismong si Pagdilao na ang umaksyon at napatunayan na tama ang aking pagbabanat, may kahahantungan kaya ito sa balasahan o sibakan sa puwesto? Calling DILG secretary Mel Senen Sarmiento Sir, maliwanag pa sa sikat ng araw na may pananagutan itong mga taga-Manila Police District sa pagbibigay ng super kaluwagan kay Pergalan Queen Marissa dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng batas. Kayat ang matagumpay na pananalakay ng mga taga-NCRPO-RPIOU sa teritoryo ni Supt. Jacson Tuliao  ay pagpapatutoo sa isyu na malaking hamon sa kredibilidad mo Sec. Sarmiento at maging sa inyo PNP chief Ricardo Marquez at  NCRPO dir. Joel Pagdilao. Dahil kung walang ulong gugulong dito tiyak na mag-iibang lugar lamang itong si Marissa sa kaharian ni Manila mayor Joseph Estrada. Dahil kung tatanungin ang mga nadismayang opisyales ng Manila’s Finest tiyak na babanggitin nila ang P50k weekly payola sa mga hao shiao media na pampapogi sa images ng MPD. Abangan!

ADEMAR VALIOS

ANG

CAMP BAGONG DIWA

COLOR GAMES

DAHIL

DROP BALL

INSPECTOR JOY OPALET

JOEL PAGDILAO

MARISSA

MGA

PERGALAN QUEEN MARISSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with