^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tiyakin na ligtas ang mga uuwing pasahero

Pilipino Star Ngayon

NGAYONG araw na ito inaasahang dadagsa pa sa mga bus terminal, airport at pantalan ang mga taong uuwi sa probinsiya para gunitain ang Undas. Sa ganitong sitwasyon nararapat maghigpit pa ang mga awtoridad, partikular ang Metro Manila Development Auhtority (MMDA) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero sa pamamagitan ng pag-inspeksiyon sa mga bus at higit sa lahat, sa drayber nito. Siguruhin na hindi nakainom o naka-take ng shabu ang drayber ng bus. Noong isang araw, isang bus ang pinigilang umalis sa terminal sapagkat basag ang ilaw sa hulihan at mayroong nakakargang motorsiklo sa compartment. Mahigpit na ipinagbabawal ito.

Noong nakaraang taon, isang driver sa Araneta Bus Terminal ang nahuling lasing habang naka-duty. Hindi makapagkaila ang bus driver sapagkat ginamitan siya ng breath analyzer nang magsagawa ng random drug test ang MMDA. Nag-positibo sa traces ng alcohol ang drayber na nang araw na iyon ay bibiyahe pa naman patungong Bicol. Kung hindi natesting ang drayber, maaaring trahedya ang kahantungan.

Nararapat inspeksiyunin o magsagawa ng big­laang drug testing sa mga driver para maiwasan ang malalagim na aksidente. Huwag ding kalimutang inspeksiyunin ang mga bus at baka wala nang preno ay ibibiyahe pa rin para lamang kumita. Isa rin sa madalas masangkot sa trahedya ay ang mga barko. Marami nang barko ang lumubog kahit na wala namang sama ng panahon o bagyo. Karaniwang dahilan ay lumubog dahil sa sobra-sobra ang pasahero. Pinayagang makaalis ng Coast Guard kahit na  bawal ang magsakay nang sobra. Mayroong mga barko na hindi nakalista ang mga pangalan ng pasahero at nakakalusot ang mga ito sa awtoridad. Kapag lumubog na ang barko at marami ang namatay, saka magtuturuan ang may-ari ng barko at Coast Guard. Sa dakong huli, ang mga kawawang pasahero ang talo.

Tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero nga-yong Undas. Magkaroon na ng aral sa mga nangyaring trahedya.

vuukle comment

ANG

ARANETA BUS TERMINAL

BUS

COAST GUARD

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION

METRO MANILA DEVELOPMENT AUHTORITY

MGA

NOONG

SIGURUHIN

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with