^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Military ang ilagay sa NBP

Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nagpapayo na mga sundalo na ang magbantay sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa mga kaguluhang nangyayari roon. Hindi lamang illegal­ drugs ang naipupuslit sa loob kundi pati na rin mga baril at bala. Sabi ng anti-crime group, maka­bubuting military na ang magbantay sa NBP kaysa mga jailguard na natatapalan ng pera.

Nadiskubre ang mga armas na nakabaon sa suwelo ng selda. May mga baril na nakalagay sa ilalim ng mga barya. Nang tungkabin ang tiles na sahig, nakuha ang mga baril.

Nadiskubre ang mga baril makaraang magkaroon ng rumble ang magkalabang grupo sa maximum security compound noong nakaraang linggo na ikinamatay ng inmate na si Charlie Quidato. Bi­naril si Quidato. Hinalughog ang mga selda at nakuha ang mga baril at drone.

Hindi ito ang unang may namatay sa NBP dahil sa rambol ng magkalabang grupo. Noong Enero isang inmate din ang namatay at 19 ang nasugatan nang sumabog ang granada sa maximum security compound.

Naghalughog din noon at nakakumpiska nang maraming baril, itak at iba’t ibang patalim sa loob ng compound. Parang armory ang bilangguan dahil sa dami ng armas na ang iba ay kinakalawang na dahil sa matagal na pagkakatago. Ibig sabihin, matagal nang may mga armas ang bilanggo at naghihintay lang marahil ng pagkakataon para magamit ang kanilang mga sandata. Tila handang-handa ang mga bilanggo sa pakikipagsagupa at pakikipagrambolan.

Sa pagkakadiskubre sa mga sandata, muling lumutang ang mga katanungan kung paano at bakit naipasok ang mga armas sa loob? Dapat pa ba itong itanong? Kung ang Jacuzzi, king-size bed, bathtub, aircon, ref, alak, cell phones, gadgets, pera at droga ay naipasok para gamitin ng Very Important Pri­soners na drug lord noon, maaari ring maipasok ang mga granada, baril at iba’t ibang klase ng patalim.

Ang nararapat gawin, palitan ang mga prison guard at ilagay ang mga sundalo. Mas may kakayahan ang mga sundalo kaysa prison guard na natatapalan ng pera. Mas may kredibilidad ang mga sundalo at hindi sila papayag na mayroong makalusot na anumang kontrabando o mga baril. Pag-isipan sana ang mungkahing military ang ilagay sa NBP.

ACIRC

ANG

BARIL

CHARLIE QUIDATO

DAPAT

HINALUGHOG

MGA

NADISKUBRE

NEW BILIBID PRISON

NOONG ENERO

VERY IMPORTANT PRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with