Isa laban sa lahat - Echiverri
NAGSAMA-SAMA ang mga politiko sa Caloocan City para labanan si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri sa 2016 election kaya magandang laban ito para malaman ang lakas nila sa madlang people ng lugar.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibabalik ni Recom ang sigla ng Caloocan na napabayaan at dehins man lamang kinalinga ng kasalukuyang liderato ang mga nagdarahop na sektor sa lugar.
Kasama ni Echiverri sa paghahain ng kanyang kandidatura ang kanyang Vice-Mayor na si Rodolfo “Ato” Oliva habang tatakbo bilang Congressman sa 1st District si incumbent Councilor Susan Punzalan at sa 2nd District si dating Congresswoman Mitch Cajayon.
Birada ni Recom, kulang na kulang sa ngayon ang pagtutok ng kasalukuyang pamunuan sa pagbibigay ng de kalibreng health services, livelihood opportunities, trabaho at konsultasyon sa bawat komunidad.
Ibinida ni Recom, sa kanyang 9 years na panunungkulan bilang alkalde ng lungsod ay halos 95 porsiyento ng mga kalsada sa buong Caloocan City ang kanyang naipagawa bukod pa sa mga kilo-kilometrong kanal habang libu-libong residente rin ang nabigyan nito ng maayos na proyektong pang- kalusugan at magandang traNagdagsaan din ang sangkatutak na health centers, covered courts, school buildings at multi-purpose building na ngayon ay pinakikinabangan ng mga taga-Caloocan.
Ika nga, ito ang totoo sa kaalaman ng madlang people sa Caloocan!
Sabi ni Echiverri, tanging ang pagpapatayo ng mga bagong gusali ang pinagkakaabalahan ng kasalukuyang administrasyon kaya’t napabayaan na nito ang pagbibigay ng napakahalagang basic services.
Tumatakbo ngayon si Echiverri sa ilalim ng NPC makaraang kumalas sa Liberal Party.
Naniniwala si Echiverri na muling ibabalik ng madlang people sa Caloocan ang tiwala sa kanyang pamamahala dahil na rin sa kanyang mga naibigay na magagandang serbisyo dahilan para bigyan ng napakaraming parangal ang lungsod noong siya ay alkalde nito.
Abangan.
Gatchalian vs. narco-politics
NABABAHALA si Nationalist People’s Coalition Rep. Win Gatchalian dahil sa mga ulat sa dumarami ang bilang na mga taga- gobierno ang nasasangkot at naaaresto sa iba’-ibang drug-related crimes sa Philippines my Philippines.
Ayon kay Win, ang iba sa mga nasungkit ay umamin kaya sila nasangkot sa drug dealing ay para makakalap nang campaign funds.
Naku ha, ang kakapal ng mukha talagang mga adik kayo!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 190 mga gagong public officials, kabilang dito ang may 56 elected at 49 law enforcers na inaresto sa drug-related offenses simula last year.
“This early, PDEA and other anti-drug operatives should conduct a crackdown against known public officials who are still involved in drug trafficking especially those who use the proceeds for their political campaign kitty in the forthcoming elections,” birada ni Gatchalian.
Nangangamba si Gatchalian, sa dumaraming ulat na mga public officials na nababasyo dahil sa transaksyon sa droga at ang pinaka- masama dito may ilang umaamin sa campaign fund nila gagamit ang kikitain.
Sabi nga, demonyo kayo talaga!
Aalamin ni Gatchalian, kung ilang mga taga-gobierno ang nahuli ng drug narcotics ang naghihimas ngayon ng rehas para hindi na sila makatakbo muli sa 2016 election at baka manalo pa sa dami ng pera ng mga kamote.
“2015 is not yet even over, yet the arrests from this year’s first half alone have reached more than a hundred. I would not be surprised if this year’s total number breaks the record. On the other hand, I am congratulating PDEA for their intensifying efforts in arresting crooked public officials and employees,” banat ni Gatchalian.
Abangan.
- Latest