Mamasapano tiyak isyu sa Halalan 2016
October 15, 2015 | 10:00am
NANGANGARAP nang gising ang P-Noy admin kung akala nito na iiwasan ang isyu ng Mamasapano nitong Halalan 2016. Tatlo ang dapat nitong isaisip para maalimpungatan:
- Una, Malacañang mismo ang nagpapa-pasa sa Kongreso ng Bangsamoro Basic Law. Dahil ibibigay ng BBL sa MILF ang pamunuan sa expanded Muslim Autonomous Region, tinitimbang ng mga mambabatas kung mapapagtiwalaan ito, gay’ung mga tauhan nila ang nag-masaker -- nang “Pintakasi” -- sa SAF-44. Kaya natural na magka-kabit na isyu ang dalawa. Hindi naman maiaatras ng Malacañang ang panukalang BBL, dahil naipangako na ito sa ka-truce na MILF.
- Ikalawa, hinahanap pa rin ang Hustisya ng kamag-anak ng mga nasawi at nasugatang SAF sa Mamasapano, Maguindanao, nu’ng Enero 25, 2015. Kasama sa paghangad ng Hustisya ang mamamayang Pilipino, na nais ang kapayapaan sa Mindanao, pero kasabay ang pagpaparusa sa mga pumatay at nanakit sa mga alagad ng batas.
- Ikatlo, ang Malacañang at Gabinete mismo ang nagpapainit sa isyu. Nagngingitngit ang madla sa pasya ni Justice Sec. Leila de Lima na, kesyo dahil walang testigo, wala ring makakasuhan na pumatay sa siyam sa SAF-44, ang mga taga-84th SAC, o Seaborne. Napaulat na hindi naman kinapanayam ng NBI/NPS ang 13 sugatang survivors ng Seaborne. Sila sana ang mga pangunahing testigo sa patuloy na pag-ambush ng MILF habang pa-exfiltrate matapos itumba si international terrorist Marwan. Makakapagbigay-solusyon sila sa krimen. Nakakagalit din sa madla na kinasuhan ng Ombudsman ang walong SAF field officers na sumunod lang sa utos ng nakatataas na kunin si Marwan o sumuporta sa assault team. Nasasakdal sila habang wala man lang nakukulong, naa-aresto, o pinapangalanan na salarin si de Lima.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended