^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Uhaw sa hustisya ang SAF-44

Pilipino Star Ngayon

SIYAM na buwan na ang nakalilipas mula nang mapatay ang 44 na miyembro ng Special Action Forces (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao par­ti­kular na ang siyam na miyembro nito na walang awang ini-execute. May video pang ipina-labas kung paano binabaril habang nakabulagta ang mga kawawang SAF. Pero hanggang ngayon, wala pang nakakakamit na hustisya ang mga baya­ning tinupad lamang ang utos para hanapin at hulihin ang mga terorista sa pugad ng Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Hanggang ngayon, hindi pa nakikilala ng pamahalaan ang mga may kagagawan sa pag-execute sa siyam na miyembro ng 84 SAF Company.

Kahit may mga kinasuhan ng 90 commanders ng MILF at BIFF at iba pang private armed groups ukol sa pagpatay sa SAF-44 wala namang ginagawang pag-aresto sa mga ito. Ni hindi nga alam ang mga pangalan ng mga nakasakdal. Paano makakakuha ng hustisya ang mga pinatay na SAF kung nagpapakita ng takot ang pamahalaan sa mga inaakusahang pumatay sa SAF commandos. Dahil ba may pag-uusap ang pamahalaan sa MILF kaya masyadong mabagal at halos walang pagkilos ang pamahalaan para ipursigi ang kaso at nang maparusahan ang mga may kasalanan? Hindi na nakapagtataka kung bakit nawawalan na ng interes ang mga mambabatas na ipursigi pa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Pero sabi ni President Noynoy Aquino, ipapasa raw ang BBL sa kanyang termino. Malabo na ito sapagkat walong buwan na lamang ang kanyang admi-nistrasyon. At paano maipapasa kung mayroon pang nauuhaw sa hustisya? Kailangang lutasin muna ang pagpatay sa SAF-44. Hangga’t walang napaparusahan, walang paggalaw sa isinusulong na BBL.

Magkakaroon lamang ng katotohanan ang pag­papasa ng BBL kung magpapakita din naman ng kaseryosohan ang MILF at isusuko mismo ang kanilang mga kasamahan na sangkot sa pag-execute sa SAF commandos. Sila na dapat ang magkusa para mapawi ang pag-aalinlangan nang sambayanan.

 

ACIRC

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DAHIL

MGA

MORO ISLAMIC LIBE

PERO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SAF

SPECIAL ACTION FORCES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with