^

PSN Opinyon

‘Bilyones na pondo ng BuB’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TAONG 2014, binuo ang Bottom-up Budgetting (BuB).

Bagong programa ng pamahalaan o poverty reduction project para daw mabawasan ang kahirapan at mapaganda­ ang kanilang pangangasiwa o kung sa ingles, inclusive growth at good governance.

 Bottom-up budgeting o mula sa ibaba patungo sa itaas. Ang magbibigay ng suhestyon at mga pangangailangan sa komunidad, mismong mga mamamayan sa mga rehiyon, lalawigan, munisipalidad at barangay.

 Maganda ang ideya, intensyon at espiritu ng BuB kung saan P45 bilyones ang inilaan na pondo para rito. Nasa pa­ngangasiwa ito ng Department of Interior and Local Government (DILG).

 Subalit, ang implementasyon ng programang ito, nababastardo at nabababoy dahil nahahaluan ng pulitika at pamumulitika.

 Matagal nang niluto ni Budget Sec. Butch Abad at ini­lunsad ang BuB pero hindi man lang inanunsyo sa publiko ang mga rehiyon na nilaanan ng pondo, anu-anong mga proyekto at kung magkano ang ibinuhos na pondo.           

 Ang resulta, lito ang taumbayan hindi tuloy mabantayan ng mga infrastructure  watchdog ang bilyones na mga halaga umano ng mga proyekto.

 Kaya naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, isinusulong ang Federalismo. Sa halip na ang pondo sentralisadong nanggagaling lang sa kung sino ang nakaupo, sa kanyang panukalang bagong sistema ng gobyerno, hindi na iisa ang magdedesisyon.  

 Ibig sabihin, ang pondong nakolekta ng isang rehiyon mula sa mga buwis sa kanilang lugar, gagamitin lang sa kanilang rehiyon. Bukod sa madaling makita at maramdaman ng tao ang pag-unlad, mababawasan rin ang korupsiyon.  

‘Di tulad ng kasalukuyang sistema sa gobyerno, hindi transparent sa mga tao partikular sa pondo.        

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga­ sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming­, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

BUDGET SEC

BUKOD

BUTCH ABAD

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

FEDERALISMO

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with