^

PSN Opinyon

Benepisyo ng baking soda (1)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PAGOD na ba kayo sa mga mamahaling gamot at kemikal? May magandang balita ako. Ang ordinaryong baking soda na mabibili sa mga supermarkets ay mabisang solusyon para sa ating problema sa balat, buhok at katawan.

Ang baking soda ay tinatawag na sodium bicarbonate. Isa itong alkaline substance na kumokontra sa mga acidic na kemikal. Heto ang iilan lamang sa gamit nito:

1. Bilang toothpaste. Kung wala kayong pambili ng toothpaste, gumamit na lang ng baking soda bilang toothpaste. Medyo maalat lang po. Puwede mo ring lagyan ng konting baking soda ang iyong toothpaste. Dahil maganit ang texture ng baking soda, natatanggal nito ang dumi at napapaputi ang ngipin.

2. Bilang mouthwash. Para maging mabango ang iyong hini­nga, maghalo ng 1 kutsaritang baking soda sa kalahating baso ng tubig. Imumog ito sa bibig na parang mouthwash.

3. Panlinis ng mga pustiso, retainers at mouth guards. Epektibong panlinis ng pustiso ang baking soda. Subukan ito.

4. Gamot sa bungang araw at kagat ng insekto. Ayon sa tanyag na Mayo Clinic, mabisa ang baking soda para sa mga kati-kati sa balat. Gumawa ng isang baking soda “cream” sa pamamagitan ng paghalo ng 3 kutsaritang baking soda at 1 kutsaritang tubig. Ilagay itong cream sa apektadong balat. Habang natutuyo ang cream, hinihigup nito ang “kamandag” ng insekto at mababawasan ang kati.

5. Para sa sunburn. Mabisa ang baking soda sa pag-alis ng kirot ng sunburn. Maghalo ng 2 kutsarang baking soda at 2 basong tubig. Ilubog ang tuwalya dito at itapal sa iyong sunburn. Puwede ka ring maglublub sa isang bathtub ng baking soda. Maghalo ng isang tasang baking soda sa mainit na tubig sa bathtub. Magbabad ng 20-30 minutos.

6. Para sa buhok. Para manumbalik ang kintab ng iyong buhok, maglagay ng 1 kutsaritang baking soda sa 1 sachet ng shampoo. Ihalo ito at gamitin na parang regular na shampoo. Banlawan ang buhok maigi.

Isa pang tip: Kung ika’y nagmamadali at hindi pa nag-shampoo, maglagay ng konting baking soda sa iyong buhok at suklayin ito. Puwede mong gamitan ng hair dryer para may “body” ang iyong buhok.

7. Panlinis ng mukha. Kung gusto mo ng panlinis ng mukha (parang facial), maglagay ng baking soda sa tubig sa palanggana. Maghilamos dito para matanggal ang dead skin cells. Kikinis ang iyong mukha.

May isa pang natural na facial. Maghalo ng 2 kutsaritang oatmeal (piliin ang pino), 1 kutsaritang baking soda, 1 kutsaritang honey, at konting tubig para makagawa ng isang madikit na solusyon (parang paste). Itapal ito sa mukha at hayaan ng 15 minutos. Maghilamos at tingnan ang iyong mukha sa salamin. Wow, beauty ka na!

Sa susunod, marami pang tips sa paggamit ng baking soda. Mabibili ang baking soda sa supermarket ng 45 pesos lang bawat karton. Ang galing, hindi ba?

ACIRC

ANG

BAKING

BILANG

ISA

IYONG

KUTSARITANG

MAGHALO

PARA

PUWEDE

SODA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with