^

PSN Opinyon

‘Baryang pondo ng PDEA’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang problema sa bansa ang talamak na pagkalat ng ilegal na droga. Matagal na ring nananawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa gobyerno ng suporta sa pagdedeklara ng gyera kontra droga.  

Subalit, hanggang sa kasalukuyan nananatiling humigit-kumulang sa P500 milyones pa rin ang taunang pondo ng ahensya. Nasa ilalim ito ng tanggapan ng pangulo kung saan ang tingin sa kanila, tau-tauhan lang sa isang maliit na departamento.

 Maliban sa kakarampot na pondo, problema rin ang kawalang-sapat na kagamitan, teknolohiya at bilang ng mga tauhan.

Hindi tiyak kung sadyang manhid si Pangulong Noy   Aqui-no sa problemang ito o talagang nagbibingi-bingihan lang.

Hindi nababahala sa pagtaas ng krimen na ang sanhi, ilegal na droga. Para bang pinipikitan nalang ang lalo pang lumalalang problema.  

Sa isinagawang budget hearing sa Senado nitong nakaraang araw, sinisi  ni Senator Juan Ponce Enrile si PDEA Chief Usec. Arturo Cacdac sa pagkalat ng ilegal na droga sa bansa.  

Banta ng senador, tatapyasin niya ang hinihiling na P1.004 bilyones na pondo ng ahensya sa susunod na taon.

Hindi yata naiintindihan ni Enrile ang mga kaganapan dahil mukhang may selda syndrome’ pa ang senador. Kaya ang napagdiskitahan, mga pobreng pinopondohan lang ng barya.  

Isa ang BITAG sa mga programa sa media na matagal nang nananawagan sa pamahalaan partikular sa mga mambabatas sa lehislatura, taasan ang pondong ilalaan sa mga ahensyang nagdedeklara ng gyera kontra droga.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ANG

AQUI

ARTURO CACDAC

BANTA

CHIEF USEC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ENRILE

NBSP

PANGULONG NOY

SENATOR JUAN PONCE ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with