^

PSN Opinyon

Hagupit ni Sarmiento sa droga

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TINITINGALA ng sambayanan si Sec. Mel Senen Sar­miento dahil hindi pa umiinit ang puwet niya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sangdamakmak na ang accomplishment niya. Sunud-sunod ang pagbingwit sa mga salot na drug trafficker sa Metro Manila at probinsiya.

Noong nagdaang Miyerkules napatay ang lider ng Espinosa drug syndicate na si Eric Espinosa at tatlong miyem­bro nito sa isinagawang drug operation sa Norzagaray, Bulacan. Walang puknat na putukan sa pagitan ng mga suspek at mga pulis ang nangyari, at nang mahawi ang usok ng pulbura, tumambad ang 12 tao na nakaposas. Nagpasalamat sila dahil tinugon na ang matagal nilang dalangin na matuldukan ang matagal ng pamama-yagpag ng drugs syndicate. Kasi ang lugar na sinalakay ng mga kapulisan ay ratratan ng mga estudyante at mga parokyanong lulong sa droga. Sa may Ortigas Pasig naman nakalawit ng mga tauhan ni NCRPO director Joel Pagdilao ang tatlong big time drugs pusher kung saan nasamsam ang dalawang kilong shabu.

Mukhang nasa tamang landas ang NCRPO dahil sunud-sunod din ang kanilang accomplishment kabilang na riyan ang pagkaaresto sa Chinese National na si Zhou Jian Guo diyan sa Roxas Boulevard service Road, Pasay City kung saan nasamsam ng may 15 kilo ng shabu. Patunay lamang ito na ang kautusan ni Sarmiento laban sa droga ay sinusunod ng mga pulis. Malaking halimbawa itong ipinakita ng mga taga SPD-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Pasay City-SAID. Kasi nga kung gugustuhin talaga ng mga pulis ang pagsawata ng droga sa kalye, maraming paraan subalit kung pulis ang sangkot maraming dahilan, iyan ang dapat na pagkatutukan ni Sarmiento.

Ang nangyaring hindi pagkakaunawaan ng San Juan Police at Manila Police sa isinagawang buy-bust operation sa N. Domingo Street, San Juan ay magiging open eyes sa mga pulis. Kasi nga ang hepe ng Eastern Police District sa ngayon ay si “Barako ng Maynila’’ C/Supt. Elmer Jamias na kilala sa pagiging birador ng drug pushers noong nasa bakuran pa siya ng MPD. Bagamat nagsasagawa na ng malalim na imbestigasyon si NCRPO director Joel Pagdilao sa pangyayari hindi kuntento rito ang mga kausap kung operatiba sa MPD. Kasi ayon sa kanila kulelat ang Manila Police District pagdating sa drug operation subalit palaging pogi ang dating sa publiko dahil sa tulong ng mga hao shiao na binabayaran ng P50,000 weekly nang mataas na opisyal, hehehe!

Kaya ang paghuli kina Leah Sarip at Norie Mohammad ay masasabi kong mis-coordination lamang at humantong sa di-pagkakaunawaan, di ba mga suki! Ang masakit may balitang kumakalat ngayon sa MPD na may 30 kilong shabu ang nasamsam sa tapat ng isang food chain sa C. M. Recto kamakailan. Mukhang ayaw tumigil ang mga dismayadong opisyal na tinanggihang makabalik sa MPD kaya sa orihinal na media nila ibinubulong ang kanilang nalalaman.  Ang pag-relieved umano sa dalawang colonel kaugnay sa walong kilo ng shabu sa Carlos Palanca ay dapat tuklasin nina Sarmiento, PNP chief Ricardo Marquez at NCRPO dir. Pagdilao. Dahil ayaw nilang masira si Sarmiento pagdating sa bangketahan ng droga na kinasasangkutan ng mga pulis. Abangan!

ACIRC

ANG

CARLOS PALANCA

CHINESE NATIONAL

DOMINGO STREET

JOEL PAGDILAO

KASI

MGA

PASAY CITY

SARMIENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with