^

PSN Opinyon

Hilo o vertigo: 19 tips

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG pinakamadalas na dahilan ay ang problema sa loob ng tainga (inner ear problem). Ang tawag dito ay vertigo. Nag-uumpisa itong problema sa sipon o trangkaso. Matagal itong gumaling at minsan ay umaabot sa 2-3 linggo ang pagkahilo. Heto ang ating mga payo:

1. Kapag matindi ang pagkahilo, umupo sa isang tabi at huwag gumalaw. Kung pakiramdam mo ay aatake ang iyong hilo, huwag maglikot dahil baka lalo ka lang mahilo.

2. Kung hindi naman grabe ang iyong pagkahilo, ituloy lang ang iyong normal na gawain. Maglakad at mag-ehersisyo. Gusto natin mapanatili ang lakas ng iyong katawan para hindi kayo matumba.

3. Humawak sa isang matatag na bagay sa tabi mo. Kapag nahihilo ka, minsan ay nalilito ang iyong utak sa iyong pagka-balanse. Ang paghawak sa isang silya o mesa ay makapagpapabawas sa iyong hilo.

4. Dahan-dahan lang sa pagtayo mula sa iyong kama. Sa umaga, siguraduhing “gising” na ang iyong mga paa at kamay. Baka wala pang lakas ang iyong tuhod at matumba ka. Umupo muna ng isang minuto bago tumayo.

5. Kung ang hilo mo ay dahil sa biglang pagtayo, galaw-galawin ang iyong hita at paa. Ito’y para manumbalik ang sirkulasyon ng dugo sa iyong katawan.

6. Magsuot ng flat na sapatos. Huwag magsuot ng may takong (high heels) dahil mahihirapan kang mag-balanse. Maganda ang rubber shoes para matatag ang iyong paglalakad.

7. Magdala ng flashlight habang naglalakad sa gabi. Kailangan mo ng sapat na ilaw para hindi madapa.

8. Huwag maglakad sa ibabaw ng carpet. Kapag makapal ang carpet, mahihirapan ang iyong katawan mag-balanse. Para bang lagi kang matutumba.

9. Maglagay ng mga hawakan sa banyo. Magsapin din ng gomang tapakan sa banyo para hindi ka madulas.

10. Bawasan ang alat at asin sa iyong pagkain. Kapag mahilig ka sa maaalat, puwedeng dumami ang iyong tubig sa katawan, pati na rin sa loob ng tainga. Minsan ay nagdudulot din ito ng pagkahilo.

11. Uminom ng salabat. Ang luya at mainit na tubig, na ginagawang salabat, ay napakabisa laban sa hilo. Subukan ito.

12. Puwede ring uminom ng gamot tulad ng meclizine 25 mg tablets. Ayon sa pagsusuri, kasing bisa ito ng salabat.

13. Huwag uminom ng alak. Kung nahihilo ka na ay huwag nang magpakalasing pa. Doble disgrasya iyan.

14. Uminom ng 8-12 basong tubig. Kapag kulang ka sa tubig, puwedeng bumaba ang iyong blood pressure.

15. Matulog ng 7-8 oras sa gabi. Kapag kulang ka sa tulog, mas hilo ka rin sa umaga.

16. Magbawas ng stress. Ang taong ninenerbiyos ay madalas ding makaramdam ng pagkahilo.

17. Magrelax. Huminga nang malalim at dahan-dahan ng pitong  beses.

18. Subukang pisil-pisilin ang balat sa pagitan ng mata. Isa itong acupressure point.

19. Suriin ang iyong gamot. May mga gamot na puwedeng maging sanhi ng pagkahilo, tulad ng aspirin, gamot sa altapresyon at diabetes. Kumunsulta sa iyong doktor para masuri ito. Good luck po!

ANG

AYON

BAWASAN

DAHAN

HETO

HUMAWAK

HUWAG

IYONG

KAPAG

PARA

UMINOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with