^

PSN Opinyon

‘Modus sa taxi’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT sa mga gumagalang utak-kriminal, bastos at barubal na mga taxi driver sa lansangan.

Lalo na ngayong “ber” months, mas agresibo at aktibo ang mga mapagsamantala, laging naghahanap ng oportunidad para makapambiktima.  

Sa dami ng bilang ng mga pumapasadang dray­ber, mahirap matukoy kung sino ang gagawa ng kri­men.

Pati ang Land Transportation Franchising and Re­gu­latory Board (LTFRB) hindi tukoy kung ilan sa mga na­mamasadang taxi ang istatistika ng mga kolorum.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ba-baeng pasahero partikular ang mga umuuwi sa gabi ang karaniwang nabibiktima.  

Hindi na bago ang modus na ito, matagal nang na-BITAG ng aming grupo ang ganitong aktibidades kung tawagin ay “Langhap.”

Ito ‘yung delikadong kemikal na kapag nalanghap ng pa­sahero sa loob ng airconditioned taxi agarang makakaramdam ng pagkahilo, pamamahid ng katawan at panghihina.

Dito nagkakaroon ng oportunidad ang utak-kriminal na drayber na isagawa ang krimen at kapag minamalas pa ang biktima, momolestyahin.

Marami na ang mga nabiktima sa modus na ito. Lahat mga babae. At ang krimen, karaniwang isinasagawa sa gabi. 

Kaya laging paalala ng BITAG sa mga taxi rider, laging maging ‘lerto at ‘listo sa lahat ng oras nang hindi maisahan at madenggoy ng mga putok sa buho.  

Mag-ingat, mag-ingat!

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapa­nood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.  

 

ABANGAN

ACIRC

ANG

AYON

DITO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND RE

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBSP

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with