^

PSN Opinyon

Baho ng Women and Children Protection Desk ng MPD

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG Miyerkules ng gabi naghalo ang balat sa tinalupan nang makasagupa ng taga-Women and Children Protection Desk ng Manila Police District ang abogada ng ba­yan na si Atty. Clarissa “Claire” Castro. Naalarma ang mga pulis sa Investigation Unit nang magkaroon ng hiyawan at baltakan sa pasilyo ng WCPD. Siyempre sino ba ang dadamayan ng mga pulis pagdating sa labu-labo at masalimuot na tarayan di ba ang kanilang kabaro, hehehe! Kaya ang nangyari sa halos isang oras na bangayan nanaig ang lakas ng mga matitikas na tauhan ni MPD director C/Supt. Rolando Nana at nai-neutralized ang grupo ni Atty. Castro at humantong sila sa malamig na rehas na bakal.

Ang masakit maging ang media ay naguluhan sa naturang eksena dahil hindi direktang sinasagot ng mga taga-Women’s Desk ang mga katanungan sa pagsugod at pagka-aresto kay Castro. Tanging “secret” lamang ang tugon ng taga-Women’s Desk at kasunod nito ang pagtaboy sa reporters palabas ng kanilang opisina. Kaya ang pasimpleng tanong lamang kay Castro ang naging basehan ng ilan kong mga kabaro dahil naging tikom ang bibig ng mga pulis sa WCPD.

Ang kuwento ay ganire. Nag-ugat umano ang pagsugod ni Castro sa tanggapan ng WCPD sa MPD headquarters nang humingi ng tulong ang kliyente nito sa kuwestiyunableng pag-aresto sa loob ng isang mall sa San Lazaro, Maynila. Nang dumating umano si Castro ay kinumpronta si PO3 Marlyn Remetio kung may warrant of arrest ba sa kanyang kliyente. Walang maipakita si PO3 Remetio na nagpaangat ng dugo ni Castro. Doon na umano pumutok ang galit ni Castro dahil sa hindi siya mabigyan ng tamang kasagutan hinggil sa pagkaaresto sa kanyang kliyente.

Paano nga naman siya masasagot ni Remetio gayung noong Enero 16, 2015, may dalawang mediamen din ang tinarayan sa loob mismo ng MPD-Police Station-9. Bahala na kayong magtimpla kung may alam nga si Remetio sa kanyang trabaho, mga suki. Mukhang nagkaroon ng katapat ang mga taga-Women’s Desk sa matagal na nilang pagtatago ng istorya sa WCPD. Ang masakit kailangan munang magsakripisyo si Castro upang matungkab ang baho ng mga taga-Women’s Desk at ng MPD. Bagamat na-release for further investigation si Castro haharapin pa rin niya ang kasong obstruction of justice, direct assault at slander by deeds sa Manila Prosecutor’s Office. Calling PNP chief Ricardo Marquez at NCRPO director Joel Pagdilao paki-imbestigahan nga po ang Women’s Desk ng MPD.Palagi kasing sarado ang naturang opisina at kung bukas man palaging puyat at ika-ika ang naka duty. Sino nga ba ang hepe ng WCPD sa kasalukuyan Gen. Nana sir?

Siyanga pala, may katotohanan kaya ang kumakalat na bali-balita sa Camp Crame na may P50k weekly payola para sa mga hao-shiao media para pag-igihin ang iyong image? Ang pag-relieve sa dalawang police colonel na hindi nakapagbigay ng ambag sa Rolex watch? Masalimuot mga suki, di ba? Kasi kung babasehan ko itong mga sumbong, malamang na may katwiran sila dahil tuloy pa rin sa pamamayagpag ang illegal gambling, video karera/fruit games, illegal vendors at putahan sa lungsod ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada pero mahina sa imbestigasyon at pag-follow-up ng kaso. Abangan!

ACIRC

ANG

CAMP CRAME

CASTRO

INVESTIGATION UNIT

JOEL PAGDILAO

KAYA

MANILA MAYOR JOSEPH

MANILA POLICE DISTRICT

MGA

REMETIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with