^

PSN Opinyon

“Mga pulang uling”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7104038

(Huling Bahagi)

“May nakakita na may dugo ang damit ng mga akusado. Dala pa nila ang itak na ginamit sa pagtadtad ng,” sabi ni Emil.

Noong nakaraang Lunes inilahad namin sa inyo ang kwento ng pagkamatay ng kapatid ni Emilio “Emil” Yba?ez na si Pedro.

Kasong “Murder” ang isinampa ng asawa ni Pedro na si Benida kina Bert Soriano, John Mark Llaya at Junnard Padrona.

Ito raw ang huling nakita ni Benida sa pinag-uulingan ng asawa. Sinasaway ang mga ito sa pangangahoy sa pribadong lupa na binabantayan ni Pedro.

Hunyo 7, 2013 nang matagpuan nila ang katawan ng mister na may taga sa iba’t-ibang parte ng katawan. Ang ulo nito ay halos matanggal sa pagkakakabit dahil sa lalim ng pagkakagilit sa leeg.

Sa salaysay ni Jerry Yba?ez anak ni Pedro na bandang alas sais ng ikaanim ng Hunyo 2013 nang hindi pa umuuwi ang kanyang ama ay di na mapakali ang kanyang ina.

Lumabas siya ng bahay at nakita niya si Sonia Causapin na huma­hangos sa pagtakbo. Lakad takbo ito at kasunod niya sina Junnard, John Mark at Bert dala ang kanilang itak na may dugo at mga damit na suot. Lahat sila ay galing sa lugar kung saan natagpuang patay si Pedro.

“Nakita ko na may patak-patak ng dugo sa kanilang mga damit sina Junnard, John Mark at Bert bitbit ang itak. Nang makita nila ako sa kanilang dadaanan nagulat sila at umiwas papalayo sa ‘kin,” pahayag ni Jerry.

Sa ‘medico legal report’ nagkaroon ng ‘multiple hacking wounds’ sa ulo si Pedro at ang kanyang ikinamatay ay ‘Traumatic Head Injuries with Hypovolemia’. Pirmado ito ni Municipal Health Officer Jaime Valientes.

Sa kabila ng ilang ulit na pagpapadala ng subpoena sa mga akusado hindi sumipot at nakapagbigay ng kanilang kontra-salaysay.

Naglabas ng Resolusyon si Prosecutor II Othelo Pe?aredondo noong ika-18 ng Setyembre 2013.

Ang usaping nireresolba rito ay kung may ‘probable cause’ laban sa mga akusado.

Walang direktang nagtuturo sa mga akusado na ginawa nila ang krimen. Binibigyang diin din na wala umanong testigo sa pagpatay sa biktima doon sa bundok.

Wala ring makapagsabi kung kailan siya pinatay at kung paano nagsimula ang pananaga na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Habang ang nagrereklamo at ang kanyang testigo ay nagsasabing may motibo ang mga akusado para patayin si Pedro na ang mga ito’y may galit umano at sa katunayan ay nagbantang siya’y papatayin.

Ito ay ‘circumstantial evidence’ na hindi sapat upang magbigay ng konklusyon na ang mga nirereklamo ang salarin sa pagkamatay ni Pedro.

May mga pangyayari at may mga palagay na napatunayan nila bagamat hindi nito nabubuo ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari. Nakita ang mga akusado na may dalang bolo at kinabukasan natagpuan ang katawan ni Pedro na may mga taga.

Hindi ito sapat upang sabihin na ang mga akusado ang pumatay sa biktima. ‘Dismissed for lack of probable cause’ ang naging hatol sa kasong isinampa nina Benida.

May ipinakita rin sa amin si Emil na kopya ng blotter sa barangay. Ang una ay may petsang Mayo 23, 2012. Ayon dito binantaan daw siya na kapag pupunta siya sa kabila papatayin siya ni Joan Andal at kung kay Tomas Causapin ay minustrahan pa raw siya nito na babarilin siya nito.

Sinabi rin daw sa kanya na iniipit niya ang mga ito sa pagsusuga ng kanilang mga kambing at pinagbabawalan sila na magtungo sa niyugan na pag-aari ni Iris. Pirmado pa ito ni Pedro at ng ilang kagawad ng kanilang barangay.

Nagharap sila sa barangay noong Hunyo 1, 2012. Kasama rito ang may-ari ng lupa na binabantayan ni Pedro. Nagkaroon ng pagtatalo dun tungkol sa pagpapalinis ng amo ni Pedro sa lupa.

Nagagalit umano itong si Tomas dahil ang tapat ng pinagtatalian ng kanyang kambing ay nilinis.

Hiniling din ni Joan na tanggalin ang kanyang pangalan dahil wala umano siyang sinabing ganung bagay kay Pedro. Hindi pumayag si Pedro na ipabago ito dahil yun daw ang pagkakasabi sa kanya ni Tomas.

Hindi rin pumayag ang amo ni Pedro na si Iris na ipatanggal ito para sa proteksiyon ng kanyang tauhan.

Nagbilin pa ito na kung may gusto silang sabihin kay Iris ay ipadaan na lamang kay Pedro.

“Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang mamatay ang kapatid ko. Wala na ba talaga kaming magagawa para mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay?” sabi ni Emil.

Naaawa na rin siya sa kanyang mga pamangkin lalo pa’t ang isa rito ay lumpo. Napanghihinaan na raw ito ng loob mula ng mawala ang ama.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nang dumating ang resolus­yon sa kanila dapat naghain sila kaagad ng ‘Motion for Reconsideration’.

Idiniin dapat nila sa Taga-usig na nagkaroon ng blotter sa barangay at binantaan na siya noon pa man. May mga pagbabanta na noon pa man na dapat ay ilaban nila.

Ang kaso na kung ang pagbabasehan ay ‘circumstantial pieces of evidence’, kailangan ang mga ito ay kapag pinag-dugtong-dugtong ito maaring magkabuo ng isang kumpletong senaryo na patungo sa salarin o mga salarin na sila nga ang nasa likod ng pagpatay sa biktima.

Sa kabilang banda, maganda na rin at na DISMISS ang kaso kaysa naisampa ito at matapos mabasahan ng sakdal, mababasura ng hukom dahil kakulangan ng testigo na mag-uugnay sa mga ito sa walang awang pagpatay.

Sa lebel ng prosecutor, walang maaring maghinto sa pamilya ng biktima na kapag dumating ang panahon na meron na silang isang matibay na testigo na magsasabi na nakita nga niya na ang ito ang may gawa, maaari nilang buhayin ang kaso at maghain ng panibagong demanda dala ngayon ang bagong testigo.

Hindi kagaya sa korte, kapag nabasahan na ang testigo ng demanda, at na ‘dismiss’ ito ng hukom, kahit maglabasan pa ang mga totoong testigo hindi mo na maaaring habulin pang muli dahil papasok ang tinatawag nilang ‘double-jeopardy’ at hindi na tatanggapin ito kahit pumanik ka pa sa Korte Suprema’.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

BENIDA

EMIL

ITO

LEFT

MGA

PEDRO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with