^

PSN Opinyon

VP pinakyaw ng Bicolandia

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAPAG nagkatotoo ang scenario sa 2016 presidential elections, puro Bicolano ang tatakbong bise presidente. Sa pagkatanda ko, mangyayari ito sa kauna-unahang pagkakataon kung saka-sakali.

Ang mga kababayan nating Bicolano ay regionalistic pagdating sa politika. Kapag ang isang kandidato ay ga-ling sa rehiyong ito, asahan mong karamihan sa kanila ay susuporta at boboto sa naturang kababayang kandidato.

Kaya kung pulos Bicolano ang tatakbo sa isang posisyon gaya ng pagka-bise presidente, siguradong mababasag ang boto ng mga Bicolano.

Si CamSur Rep. Leni Robredo ay mukhang tiyak nang magiging vice presidential running mate ng Liberal Party standard bearer na si Mar Roxas. Bicolana si Manay. Pero tila  magdedesisyon si Manay Leni bago daw ang katapusan ng buwang ito, ayon sa kanyang kampo, kaya sabi nga,”it ain’t over until it is over.”

Samantala, buo na ang tambalan nina Sen. Grace Poe (for president)  at Chiz Escudero (for vice president) na isa ring Bicolano. Kahit tumatakbo silang indipendiyente ay buo ang paniniwala nila na suportado ng taumbayan ang kanilang tambalan na magsusulong ng gobyernong “May Puso.” Sabagay, dalawa naman ang “Heart” ni Chiz. Puwede niyang ipamigay sa gobyerno ang isa para magkapuso.

Teka, teka, wala pang bise si VPJojo Binay ano? Pero ang balita ko, isa sa mga kinukonsidera niya na maging vp running mate ay si Sen. Greg Honasan na isa ring “Manoy.”

At ngayon, narining na natin ang deklarasyon ni Sen. Antonio Trillanes na tatakbo siya bilang bise presidente ng partidong Magdalo. Walang opisyal na kandidato sa pagka-presidente ang Magdalo pero ang sabi ni Trillanes, dadalhin nila si independent presidential candidate Grace Poe.

Mind you, isa rin pong Bicolano si Trillanes.

Baka naman maiba si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung matuloy ang pagtakbo niya sa panguluhan. Napapabalita kasi na si Sen. Bongbong Marcos ang posibleng maging vp running mate niya. Very ideal nga naman. Ang President ay from the farthest South at ang bise ay from the farteshest North.

Kaya sandamakmak pala ang mga vice presidential candidates kapag nagkataon. Well, the more the merrier!

ACIRC

ANG

ANG PRESIDENT

ANTONIO TRILLANES

BICOLANO

BONGBONG MARCOS

CHIZ ESCUDERO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

GRACE POE

GREG HONASAN

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with