^

PSN Opinyon

Pinangangambahan, pagbagsak ng Philippine tuna industry

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

PINALIWANAG ni Philippine Ambassador to Papua New Guinea Bienvenido Tejano na pinangangambahan na bumagsak ang tuna industry sa Pilipinas kung sakaling maubos ang marine resources sa Papua New Guinea.

Ayon kay Tejano nakasalalay nga sa Papua New Guinea ang tuna industry ng Pilipinas dahil doon pumupunta ang ating mga mangingisda at maging sa Indonesia upang manghuli ng tuna dahil nga nauubos na ang nasabing isda sa ating sariling karagatan.

Kaya hindi na bago ang balitang nahuhuli at nade-detain maya-maya ang ating mga kababayang mangingisda sa port city ng Bitung sa North Sulawesi, Indonesia.

Ngunit sinabi ni Tejano pag nagkaubusan ng tuna sa karagatan ng Papua New Guinea siguradong bagsak din ang tuna industry natin na nakabase sa General Santos City.

Ito ang senaryo na ayaw nating mangyari sa tuna industry dahil libu-libo ang nakasalalay sa kabuhayang ito.

Sana maagapan ang nangyayaring ito.

ANG

AYON

BITUNG

GENERAL SANTOS CITY

ITO

KAYA

NORTH SULAWESI

PAPUA NEW GUINEA

PAPUA NEW GUINEA BIENVENIDO TEJANO

PHILIPPINE AMBASSADOR

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with