^

PSN Opinyon

Purihin, mga pulis ng MPD-Homicide Section

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAYROONG kasabihan na “tuso man daw ang matsin, naiisahan din”. Iyan ang pananaw ko nang magpakitang gilas ang mga imbestigador ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (Homicide Section). Kasi nga sa loob lamang ng tatlong oras naaresto nina SPO2 Charles John Duran, SPO3 Milbert Balinggan, SPO3 Glenzor Vallejo, PO3 Amelito Lopez, PO3 Jason Ibasco, PO3 Bernardo Cayabyab, PO3 Marlon San Pedro­ at PO2 Dennis Turla ang isang Army Reservist na responsable sa pagpatay kay Rodolfo Barbosa Jr, alias RJ Barbosa sa kanto ng M. Dela Fuente at Arevalo Streets, Sampaloc, Manila.

Nang dumating kasi ang mga matitikas nating pulis sa Homicide Section sa crime scene, blanko pa sila sa salarin, subalit sa pagtatanong-tanong sa mga usyusero, aba’y nagkaroon ng giya. Ayon kasi sa witnesses, 24 hours na bukas ang tindahan na pag-aari ng suspek na si Rony Belezario na madalas tambayan ng biktima. Kaya walang inaksayang oras ang mga taga-Homicide na agad na nagtungo muna sa Barangay Hall, subalit sira ang CCTV kung kaya ang binasehan nila ay ang testimonya ng ilang saksi. Nang bumalik sila sa crime scene, tiyempo namang lumabas si Belezario ng kanyang tindahan. Nang papalapit na ang mga pulis, agad  kumaripas ng takbo si Belezario na nakatunog marahil na siya ang puntirya. Nagkaroon ng habulan. Nang abutan at kapkapan, nakuha sa bulsa ni Belezario ang caliber 25 na ginamit sa pagpatay kay Barbosa. Hindi na nakapalag si Belezario ng bitbitin ng mga taga-Homicide. Good works mga Pare ko, hehehe!

Hindi lamang iyan mga suki, pati ang pagpatay kina Lucita­ Menguito at Jennifer Magtulis ay naresolba ilang oras lamang matapos maganap ang  krimen. At ang pangunahing suspek dito ay si John Adrian Eduilang na manugang mismo ng napatay na Menguito. Matapos kasing i-review ni OIC Insp. Paul Dennis Javier ang CCTV at sa pagtatanung-tanong sa mga kapitbahay ng biktima, lumabas na si Edquilang lamang ang pumasok sa naturang bahay bago maganap ang krimen. Agad na pinuntahan nina Insp. Javier kasama sina SPO4 Lumbad, SPO2 Richard Escarlan, PO3 Jordan Taluban, PO3 Amelito Lopez, PO3 Joseph Kabigting at PO2 Gerry Dabu ang bahay ng suspek sa Merville Subd., Paranaque City. Kinabukasan narekober ng mga taga-Homicide ang Honda Jazz sa Paco, Manila at nakakuha pa ng mga gamit na nagdidiin kay Edquilang.

Ang hinagpis ng isang ina ay bahagyang nalunasan ng mga taga-Homicide Section matapos na maaresto ang pangunahing suspek sa isang follow-up operation sa Caloocan City ilang oras matapos ang pagpatay sa ibabaw ng Quezon Bridge. Ayon kay SPO2  Jonathan Bautista,  PO3 Jemaine Cuntapay at PO3 Dodie Daquiaog hinoldap ni Richard Pring, alias “Target” ang biktima na si Renzo Rey Budoy sa loob ng pampasaherong jeep at ng bumaba ito ay humabol ang biktima kaya doon na  inundayan ng mga saksak. Natukoy ang bahay ni Pring alias “Target” sa pananaliksik ni SPO2 Bautista sa mga mug shot sa Meisec Police Station. Saludo ako sa inyo mga Sir, Nawa’y pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong mabuting trabaho kahit na papalit-palit ang inyong hepe, he-he-he!

ACIRC

AMELITO LOPEZ

ANG

AREVALO STREETS

ARMY RESERVIST

AYON

BELEZARIO

HOMICIDE SECTION

MGA

NANG

PO3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with