^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kinawawa sa baha

Pilipino Star Ngayon

NOONG Martes ng hapon, bumuhos ang malakas na ulan sa maraming lugar sa Metro Manila at agad na bumaha. Hanggang baywang ang baha sa Mother Ignacia St. sa Quezon City. Bumaha sa Taft Avenue at R. Papa sa Maynila. Bumaha rin sa Pasong Tamo at Buendia Avenue sa Makati. Maski sa paligid ng NAIA ay bumaha rin.

Ang resulta: Grabeng trapik! Wala nang galawan ang mga sasakyan sapagkat naipit na sa trapik at baha. Hindi na gumagalaw sa EDSA, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Tramo, at marami pang lansangan sa Metro Manila.

Naipon ang mga tao sa kalsada at hindi makasakay sapagkat naipit sa trapik ang mga bus, dyipni at taxi. Ang iba pang sasakyan ay hindi makaalis sa lugar sapagkat baha.

Marami ang na-stranded. Sa EDSA at Taft Avenue ay makikita ang pila nang maraming tao na nag-aabang ng sasakyan. Kawawa ang mga kababaihan na hindi na halos makagulapay dahil sa pagod sa paghihintay nang masasakyan. Mayroong mga ina na karga ang anak habang nag-aabang ng masasakyan. Mayroon pang mga matatanda na hindi malaman ang gagawin kung paano makakasakay pauwi.

Nakauwi ang mga tao dakong alas tres ng mada­ling araw. Marami ang natulog na sa sasakyan habang nasa trapik. Mahigit limang oras silang nasa trapik. Iyon anila ang pinakamahabang trapik na kanilang naranasan sa buhay nila.

Habang nakababad sa kalsada ang mga taong naipit sa trapik at baha, wala namang makitang traffic enforcers ng MMDA para maasistehan ang mga motorista. Nasaan na sila? Ipinaubaya na sa Highway Patrol Group ang lahat-lahat. Pinasusuweldo sila mula sa buwis ng taumbayan pero walang maasahang tulong. Sabi ni MMDA chairman Francis Tolentino, makakatulong ng HPG ang MMDA traffic enforcers sa pagmamantini ng trapik at iba pang serbisyo. Nasaan na sila noong Martes ng gabi? Tuluyan nang naging inutil?

Nakita naman ang kahinaan ng local government makaraang pabayaan ang mga na-stranded na pasahero. Sana, inilabas ang mga truck na magsasakay sa mga stranded. Lubhang naging kawawa sila. Habang nasa kalaliman sila ng gabi sa kalsada, humihilik sa sarap ng tulog ang mga local officials.

ANG

BUENDIA AVENUE

BUMAHA

COMMONWEALTH AVENUE

FRANCIS TOLENTINO

HABANG

HIGHWAY PATROL GROUP

METRO MANILA

MGA

TAFT AVENUE

TRAPIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with