^

PSN Opinyon

‘Smuggling czar’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DAPAT talaga may nakatalagang smuggling czar si Pangulong Noy Aquino. Indibidwal na tututok sa importasyon o bawat kargamentong pumapasok sa bansa.

Anumang mga transaksyon mula sa point of origin o bansang pinanggalingan hanggang makarating sa point of destination, natutukoy na agad gamit ang sistema at bagong teknolohiya. Ibig sabihin, hindi pa man dumarating ang mga kargamanto, alam na ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) kung magkano ang ipapataw na buwis.

Maliban dito, maiiwasan na rin ang mga pagpupuslit dahil malinaw nang natutukoy kung sino ang importer ng mga produkto. Ang problema, walang ganitong sistema ang kasalukuyang administrasyon o ‘yung inward foreign manifest. Kaya ang smuggling activities, hindi pa rin matuldukan. Patuloy na namamayagpag at nagpipista ang mga smuggler na nagnanakaw sa kaban ng bayan.   

Pinipikitan lang ito ng mga tiwaling opisyal ng BOC na itinanim ng kanilang mga patron. Kung hindi senador, kongresista o ‘di naman kaya matataas na opisyal at gabinete ng administrasyon.  Nakikipagsabwatan sa mga nagpupuslit ng mga hindi idini-deklara o undervalued na mga kargamento sa kulay ng salapi at kalansing ng pera ng kanilang principal.

Matagal na ang open –secret na ito sa Customs. Subalit may ilang mga kongresista na nag-mamaang-maangan, nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa malawakang korupsyon sa ahensya.  Kaya ang resulta, bagsak na koleksyon buwan-buwan.

Nitong nakaraang araw, hinamon ni Marikina Rep. Romero Quimbo si Customs Deputy Commissioner Jesse Dellosa. Pangalan daw niya ang mga kabaro ni Quimbo sa Kongreso na nakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal ng BOC.

Pero kung wala rin naman daw bayag si Dellosa na isiwalat ang mga alegasyon, isarado nalang daw niya ang kaniyang bumubulang bibig.

Nagbubulag-bulagan kaya at nagbibingi-bingihan itong si Quimbo?

Hindi niya yata alam na ilan sa mga kasamahan niyang mambabatas, mga padrino sa Customs. May kaniya-kaniyang taong itinanim sa loob para protektahan ang kanilang mga ka­tsokarang smuggler at maipuslit papasok ang mga kargamento.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga­ sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming­, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

 

ACIRC

ANG

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER JESSE DELLOSA

KAYA

MARIKINA REP

MGA

NBSP

PANGULONG NOY AQUINO

QUIMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with