^

PSN Opinyon

EDITORYAL – HPG naman ang susubukan

Pilipino Star Ngayon

NAGING inutil ang Metro Manila Development Autho­rity­ (MMDA) sa paglutas sa problema sa trapiko (partikular sa EDSA) kaya ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) ang susubukan. Sa Lunes (Setyembre 7) ay idedeploy ang 100 HPG policemen sa kahabaan ng EDSA para maisaayos ang trapiko. Ang pagdedeploy sa HPG ay napagkasunduan sa isang meeting sa Malacañang na si President Noynoy Aquino mismo ang nagpatawag.

Sa meeting, tinalakay ang grabeng trapik na nararanasan araw-araw sa EDSA at agarang sinabi ng Presidente na i-clear ang anim na major intersections upang mapaluwag ang trapiko. Ang anim na intersections ay ang Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Boulevard, Guadalupe at Taft Avenue. Ang mga nabanggit na intersections ang sinasabing “choke points”. Pinaka-grabe sa mga ito ang Cubao corner Aurora Boulevard (south bound) kung saan halos walang galawan ang trapik na umaabot hanggang Kamuning o lampas pa. Mga bus na naghambalang ang dahilan at lalong bumibigat dahil sa walang disiplina sa pagbababa at pagsasakay ng pasahero. Hindi maitaboy ng MMDA traffic enforcers sapagkat “nag­lagay” na sa kanila ang kompanya ng bus.

Isa pang grabeng trapik na lugar ay Balintawak (south bound) sa tapat ng palengke kung saan nag­hambalang naman ang mga sasakyan sa gilid. Ginawa nang parking area ang harapan ng palengke kaya hindi makausad ang mga sasakyan. Hindi rin mapa­alis ng MMDA traffic enforcers ang mga sasakyang nakaparada dahil “naglagay” na ang mga may-ari.

Sa pangangasiwa ng HPG sa trapik, inaasahan ng mamamayan na mahihigitan nito ang MMDA na naging inutil na sa mga nakaraang buwan dahil naging­ abala na si Chairman Francis Tolentino sa panga­ngampanya.

Kung tutuusin, kahit na hindi HPG ang manga­siwa sa trapik ay maaari naman itong maisaayos basta may political will ang namumuno. Kahit si Tolentino ay kayang walisin o linisin ang “choke points” sa EDSA. Matagal nang problema ang mga nagham­balang na bus at mga nakaparada sa EDSA pero bakit hindi magawa ng MMDA. Kung wala nang silbi ang MMDA sa trapik, ano pa ang ginagawa ni Tolentino sa ahensiya?

vuukle comment

ACIRC

ANG

AURORA BOULEVARD

BALINTAWAK

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CUBAO

HIGHWAY PATROL GROUP

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with