^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Dapat lang mag-sorry

Pilipino Star Ngayon

WALA raw dapat ihingi ng kapatawaran ang kanyang amang si Pres. Ferdinand Marcos. Ito ang sinabi ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos nang kapanayamin sa programang ANC Headstart. Kung meron daw siyang sinaktan, lagi siyang nakahandang mag-sorry pero ang mag-apologize sa mga nagawa umano ng kanyang ama sa 20 taong panunungkulan ay hindi nararapat. Ano raw ang dapat i-apologize?

Magso-sorry daw ba siya sa libu-libong kilometro ng kalsada na naipagawa ng kanyang ama noong nanunungkulan pa? Magso-sorry daw ba siya sa mahusay na agricultural policy ng kanyang ama na naging dahilan para sumagana ang ani? Magso-sorry daw ba siya sa power ge­neration? Magso-sorry daw ba siya sa mataas na literacy­ rate ng Pilipinas sa buong Asia? Ano raw ang dapat niyang ipag-sorry?

Sabi ni Bongbong, ang kasaysayan ang huhusga­ sa administrasyon ng kanyang ama, na ayon sa kanya ay mas mahusay kaysa kasalukuyang admi­nistrasyon.

Nalalaman daw niya ang sentimyento ng mama­mayan at ang ito ang nagtutulak sa kanya para tumakbo sa mataas na posisyon sa 2016 electioins. Ayon sa report, tatakbong Presidente si Bongbong at mayroon din namang nagsasabi na tatakbo siyang Vice President ni Jejomar Binay.

Idinagdag pa ni Bongbong na mula nang ma­wala sa Malacañang ang kanyang ama, wala nang iba pang nakatulad sa panunungkulan. Nag-iisa aniya­ at marami ang nagsasabing dapat itong bumalik.

Wala nga bang dapat ipag-sorry ang mga Marcos­? Sa aming paniwala ay marami silang dapat ihingi ng kapatawaran. Nararapat ipag-sorry ang pagbusal sa mga mamamahayag noong panahon ng martial law. Dapat ipag-sorry ang kalupitan ng mga sundalo ng kanyang ama na walang awang rumatrat sa mga kumakalaban at pumupuna. Dapat ipag-sorry ang walang patumanggang pangungurakot na naging dahilan para malubog sa utang ang bansa.­ Dapat ipag-sorry ang sobrang pagkagahaman sa kapangyarihan.

Totoong may mga nagawa sa bansa si President Marcos pero marami ring nalabag sa karapatang pantao at dapat itong ihingi ng kapatawaran.

ACIRC

ANG

ANO

BONGBONG

DAPAT

FERDINAND MARCOS

JEJOMAR BINAY

KANYANG

MAGSO

SHY

SORRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with