^

PSN Opinyon

Mali ang pahayag ni Coloma

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang naging matatag ang ating ekonomiya dahil sa bilyong dolyares na padala ng 10 milyong overseas Filpino workers (OFWs).

Oo nga at ang padalang dolyares ng mga OFW ay para sa kanilang pamilya pero sa sandaling mahawakan nila ang pera ay converted na sa pesos. Ang dolyares na ito ang garantiya ng ating gobyerno na pambayad sa lahat ng uring bayarin sa labas ng Pilipinas.

Ang padalang dolyares ng OFWs ang dahilan kung bakit matatag ang ating dollar reserves na kabalik­taran ng pahayag ni Communication Sec. Sonny Co­loma­ na walang pakinabang ang gobyerno sa dollar remittances ng mga “bayani sa makabagong panahon”.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahilig baluktutin ng mga alipores ni President Aquino ang katotohanan.

At ang lalong nakaiirita ay hindi friendly ang gob­yernong ito dahil lagi na lamang silang confrontationa­l. Ang sinumang kumontra sa kanilang patakaran ay itinu­turing nilang kaaway.

Ayaw kong isipin na kaya maliit ang pagtingin ng gobyerno sa OFWs ay dahil elitista ang Presidente at ibang-iba ang lipunan na kanyang ginagalawan kung ihahambing sa mga manggagawang namamasukan sa ibang bansa.

Balewala sa Palasyo ang mga OFW dahil noon pa hindi man lamang binanggit ni P-Noy ang mala­king tulong ng mga ito sa kanyang huling State of the Nation Address.

Kung bakit ayaw kilalanin ang malaking tulong ng OFWs sa malusog na ekonomiya ay ang naninirahan lamang sa Malacañang ang nakaaalam.

Basta ang alam ko, ang mga tagapagsalita ng Presidente ay mahilig baluktutin ang katotohanan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sa paglipas ng mga araw, lalong dumarami ang nasusuklam kay P-noy dahil sa kanyang mga tauhang arogante at kontra-mahirap.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYAW

BALEWALA

COMMUNICATION SEC

MGA

PRESIDENT AQUINO

SHY

SONNY CO

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with