^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mag-ingat sa MERS-CoV

Pilipino Star Ngayon

HINDI natutulog ang Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV) at karaniwang overseas Filipino workers (OFWs) ang tinatamaan. Noong Martes, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na apat na Pinay nurses ang nagpositibo sa MERS-CoV. Ang Pinay nurses na may mga edad 29 at 32 ay pawang nagtatrabaho sa isang ospital sa Riyadh. Ayon sa DFA, nasa intensive care unit (ICU) ang dalawa sa mga nurses samantalang ang dalawa ay under observation.

Agad nagbabala ang gobyerno ng Pilipinas sa mga OFW sa Saudi na mag-ingat at panatilihin ang proper hygiene. Hindi kataka-taka na mag-alala ang gobyerno ng Pilipinas sapagkat may mga Pilipino nang namatay sa sakit na ito. May Pinoy na namatay sa United Arab Emirates noong Abril 2014. Noong Marso 2015, limang Pinoy health workers sa Saudi ang nag-positive sa MERS-CoV.

Ang sintomas ng MERS-CoV ay lagnat, ubo, paninikip ng dibdib at pagtatae. Una itong nadis­kubre sa Jeddah, Saudi Arabia ng isang Egyptian doctor na si Ali Mohamed Zaki noong Setyembre 24, 2012. Nanggaling umano ang virus sa isang uri ng paniki na tinatawag na Egyptian tomb bat.

Mahalagang malaman ng mamamayan na delikado ang MERS-CoV kaya nararapat ang pag-iingat at ang kahalagahan ng kalinisan sa katawan. Huwag ipagwalambahala ang MERS-CoV sapagkat may mga namatay  na sakit na ito.

Paigtingin naman ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya laban sa MERS-CoV. Hindi dapat maging kampante ang DOH sa lahat nang mga pumapasok sa bansa lalo ang mga OFW na nagtrabaho sa mga bansang apek­tado ng sakit. Magkaroon nang matinding monitoring sa mga pasaherong dumarating. Hindi sila dapat makalusot at makalabas ng NAIA.

ACIRC

ALI MOHAMED ZAKI

ANG

ANG PINAY

CORONA VIRUS

COV

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

MAY PINOY

MERS

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with