^

PSN Opinyon

Si Tonying at ang mga gangsters

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PANANAKOT o nagbigay balabal este mali babala pala ang istilong pamamaril ng mga kontrabidang nakita sa CCTV sa bagong coffee shop ng kabaro namin si ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna sa Kyusi, yesterday.

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, salamin at pader ng kapihan ni Tonying ang binoga ng mga salawahan este mali salarin pala kalibre .45 ang gamit nilang mga boga ng paulanan nila ang lugar ng kabaro natin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala silang may kaugnayan sa hotraba ni Tonying ang pambobogang ginawa sa kanyang coffee shop.

‘Sa mga nakakakilala kay Tonying mabait, makatao, magalang, palatawa at may big heart kaya naman hindi ipinagkait ni Lord ang suerteng tinatamasa niya.’ sabi ng kuwagong maalahanin.

Abangan.

MMDA chairman Tolentino

MAGANDA ang gimik este mali naisip pala ni MMDA chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino, na gawin hindi lamang sa Metro-Manila kundi sa lahat ng mga probinsiya ng Philippines my Philippines ang ‘earthquake drill’ para maging handa ang madlang people sa mga lugar na maaring maduling este mali tamaan ng malakas na lindol pala.

Ika nga, may ilang probinsiya o lugar ang niyayanig ng lindol kahit hindi malakas ito pero kailangan handa ang mga tagarito kaya gumimik este mali naisip ni Tolentino na isulong na magkaroon din ng ‘earthquake drill’ sa buong Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kabuluhan ang pinupunto ni Tolentino sa maaring mangyari sa iba’t-ibang lugar at probinsiya sa Philippines my Philippines tungkol sa pinaguusapan natin ‘lindol’ kaya hindi dapat naka-focus ang madlang people o gobierno sa mga lugar ng West at East Valle fault lines lamang kasi walang makakapagsabi kung kailan at saan tatama ang malakas na lindol oras na nagising ito kaya kailangan ituro rin sa kanilang ang ‘earthquake drill’ na ginawa kamakailan sa Metro - Manila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda ang panukala ni Tolentino sa pagbibigay ng kaalaman sa madlang people sa pamamagitan ng ‘earthquake drill.’

Bakit?

Sagot - para makilala siya sa Philippines my Philippines oras na nagdesisyon itong tumakbo sa pagka - Senador? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mabuting  magbitiw na lamang si Tolentino sa kanyang puesto gaya ng ipinagdarasal ng ilang sektor para hindi lumala ang pagkabuwisit sa kanya.

Sabi nga, may balak pa naman itong ‘for Senator’!

‘Manalo kaya?’ Tanong ng kuwagong nag-a-alinglangan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mainam pang ipasa sa iba ang puesto niya sa MMDA ngayon para mabigyan ng maayos na solusyon ang traffic na nararanasan sa Metro - Manila partikular sa EDSA araw-araw, oras,oras, minu-minuto at segu-segundo.

‘The other day naisip na naman ni Tolentino ang mag-traffic sa dalawang magkakahiwalay na lugar sa Kyusi kaya hayun binatikos ito sa social media ng madlang pinoy.’

Sabi nga, ‘drawing’ itigil na!

Abangan. Si Nanay Rosita Garing

Ngayon ang ika -13 taon ng kamatayan ni Nanay Rosita, ng Naujan, Oriental Mindoro, ang butihing ermat ni Atty. Biyong Garing, kaya naman may misa sa San Roque Church sa Mandaluyong City sa ganap na 6am, 7am at 6:00 PM.

Isang padasal ngayon around 3pm ang gagawin sa kanilang haybol sa Naujan, Oriental Mindoro.

Bukas, araw ng Linggo, meron din pamisa para kay Nanay Rosita, sa Naujan, Parish Church, dakong alas 6:30am at 8 am.

Inaanyahan po ng pamilya ni Atty. Biyong, ang kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan na makiisa sa kanilang padasal na gaganapin sa kanilang haybol ngayon hapon.

Sabi nga, Rest in peace Nanay Rosita!

Amen.

ACIRC

ALIGN

ANG

AYON

LEFT

MGA

NANAY ROSITA

NAUJAN

QUOT

SABI

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with